KABANATA 3

566 41 1
                                    

KABANATA 3

Tapos na 'kong maligo. Nakapagbihis na rin ako. Black t-shirt at jeans lang ang naisip kong suotin sa unang araw ng burol ni Inang. Nakaupo ako sa kama at nagsusuklay ng buhok nang marinig kong parang may kumalabog sa labas ng kwarto ko, kaya tumayo ako para tingnan. Wala akong nakita kaya bumalik na lang ako sa kwarto at isinarado ang pinto. Naupo ako sa kama at sinimulan ko na uling mag-suklay. Habang nahihirapan akong tanggalin ang nabuhol na dulong parte ng buhok ko, may narinig na naman akong kalabog sa labas ng kwarto ko. Alam kong si Enzo 'yun. Pinagtri-trip-an na naman ako. Tumayo uli ako at naglakad palapit sa pintuan. Binuksan ko 'yun at muli akong sumilip sa labas. "Enzo?" Tumingin ako sa magkabilang gilid pero kahit anino ng kapatid ko, hindi ko nakita. "Enzo, 'pag nahuli kita. Humanda ka sa 'kin." Nilakasan ko 'yung boses ko para marinig niya.


Naglakad na uli ako papasok ng kwarto ko pero this time hindi ko na sinarado 'yung pintuan. KInuha ko 'yung make-up kit ko sa bag at naupo ako sa kama patalikod sa may pintuan. Naglalagay ako ng liptint nang mapatingin ako sa likuran ko mula sa maliit na salamin na hawak ko. Bigla akong napalingon sa nakabukas na pintuan dahil parang may nakita akong nakatayo roon kanina. Parang babae 'yung nakita ko dahil mahaba ang buhok. Pero imposible naman mangyari 'yun dahil kanina pa nakaalis si Mommy kasama si Ate Rose. Wala nang ibang babae rito sa bahay maliban sa 'kin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yun o kulang lang ako sa tulog dahil inabot ako ng ala-una ng madaling araw bago ako nakatulog kagabi.


Dahil sariwa pa sa 'kin 'yung naging experience ko sa punerarya, dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at nagmamadali akong lumabas at halos patakbo na akong bumaba ng hagdan. "Gwen, be careful. Luma na 'tong bahay. May mga parte 'yung hagdanan na marupok na," sita ni Dad sa 'kin. Nakita ko sila ni Enzo na kumakain na ng breakfast.


"Gutom na 'yan, kaya nagmamadali," sabi naman ni Enzo.


"Ako gutom? Sino kaya sa 'ting dalawa ang may peanut butter sa pisngi?"


Biglang napahawak si Enzo sa pisngi niya. "Wala naman e!"


"Huwag ka kasing paniwalain," natatawang sabi ko kaya binelatan niya 'ko.


Salamat kay Enzo, sandaling nalimutan ko 'yung 'di ko maipaliwanag na nakita ko sa itaas kanina.


Nang matapos kaming kumain, umalis na rin kami agad para pumunta sa chapel. At dahil dala ni Mommy 'yung kotse magco-commute kami. Nag-abang kami ng tricycle sa labas ng bahay dahil madalang ang dumadaan na jeep. Ilang minuto na rin kaming nakatayo at pumapara sa mga tricycle na dumadaan pero hindi humihinto ang mga ito, kahit wala naman silang mga sakay. Parang ayaw ata kaming pasakayin.


"Bawal sigurong mag-sakay rito. Lakarin na lang natin. Malapit lang naman 'yung chapel," sabi ni Dad.


Wala kaming choice kundi maglakad dahil baka maunahan pa kaming dumating ni Inang doon kung maghihintay kami sa tricycle na magpapasakay sa 'min.


"Si Ate kasi e. Ang bagal kumilos. Ang daming nilalagay sa mukha. Sana nakasabay tayo kina Mommy." Reklamo ni Enzo habang naglalakad kami. Mas maaga kasing umalis sina Mommy sa 'min dahil mamimili pa sila pagkatapos noon magluluto pa.


"Lalaki ka kasi. Hindi mo maiintindihan." Siya kasi pagkatapos maliligo at magbibihis, tapos na.

INANGWhere stories live. Discover now