Chapter 2: Changes

15.7K 511 26
                                    


Ray's POV

Okay naman kami nung bandang umpisa nung 2nd year namin e. Hindi ko alam kung anong nangyari nung nagkasakit ako bigla at hindi nakapasok sa school ng halos isang buwan. Hindi ko alam kung bakit pagkabalik ko, parang naging ibang tao si Tasha o baka naman, ako yung nag-iba? Pero hindi talaga e, eto pa rin naman ako. Pangit at nerd pa rin. Paano siya nagbago sa loob lang ng isang buwan na wala ako?

"T-Tasha, Happy Birthday..." Sabi ko pagkalapit ko sakanya. Kakaalis lang kasi ng mga kaibigan niyang mga babae. Inabot ko rin yung binili kong bracelet na regalo ko kasi nga birthday niya.

"Salamat." Inabot niya ito at ngumiti ng saglit sakin. Bakit biglang lumayo yung loob niya sakin? May nagawa ba kong kasalanan sakanya?

"Pwede ba tayong mag-usap?" Namimiss ko lang kasi yung bestfriend ko.

"Hindi ba tayo naguusap ngayon?" Sagot niya.  Medyo inayos ko yung salamin at pumikit ng ilang ulit. Iba na talaga.

"Sabi ko nga e." Huminga ako ng malalim. "G-Galit ka ba sakin?" Tanong ko na parang maiiyak pa.

"Hindi." Sagot niya. "Bakit ako magagalit sayo?"

"Ah kase... Napapansin ko...Kasi ano..." Hirap na hirap akong ituloy yung sasabihin ko nang biglang dumating yung mga kaibigan niyang babae.

"Natasha!!! Si Calvin nasa labas, may dalang flowers!" Sigaw nila. Isa pa to sa mga nagbago, nageentertain na rin siya ng mga manliligaw ngayon.

Napatayo siya sa gulat tsaka tumakbo palabas. Hindi man lang napansin na nalaglag yung regalo ko sa sahig.

Dati naman sanay ako na walang kumakausap sakin, na parang hindi ako nageexist sa classroom na to. Noon kasi alam kong may isang taong nandiyan para sakin. Pero ngayon? Ni hindi ko alam kung may paki pa siya sakin.

After ng uwian, napagpasyahan kong tumambay sa rooftop ng school namin. Pilit kong iniisip kung saan ako nagkamali bilang kaibigan. Bakit nagkaganito na kami ngayon?

"Siya? Iniiwasan ko na nga diba..." Bigla akong nakarinig ng may naguusap paakyat ng rooftop. Agad akong nagtago sa likod.

"Eh anong ibig sabihin ng bracelet na yan?" Pilit kong sinilip yung dalawang naguusap.

Teka! Si Tasha yun ah! Kasama yung mayabang na Calvin na yun!

"Eto? Regalo niya nga sakin. Sayang naman kung itatapon ko." Sagot ni Tasha habang hawak yung binigay kong regalo kanina.

Ayoko ng mga naririnig ko. Bakit parang hindi ko na kilala si Tasha? Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"Akin na nga yan." Kinuha ni Calvin yung bracelet at inihagis sa malayo.

Nakita ko ang gulat sa mata ni Tasha. Kahit ako nagulat sa ginawa niya. Nakakainis, mahigit isang oras ko pa namang hinanap yun tapos itatapon niya lang?!

"Sayang din yun. Bakit mo tinapon?" Tanong ni Tasha.

"Eh kasi, ganun din yung gift ko." May nilabas si Calvin na box tapos sinuot yung laman na bracelet kay Tasha. Habang ginagawa niya yun hindi ko mapigilan ang mainis at magalit. Kung nakakamatay lang ang tingin, double-dead na si Calvin.

"Alin yung mas maganda?" Tanong ni Calvin. Nagkumpara pa. Ano siya, bata?

"Eto siyempre." Sagot naman ni Tasha sabay ngiti.

"Dapat lang. Gwapo yung nagbigay e." Sabi ni Calvin tapos inakbayan na niya si Tasha at tuluyan ng bumaba. Sa nakikita ko, malamang sila na.

Wala naman sakin kung magkaboyfriend si Tasya e. Ang akin lang, bakit pati yung pagkakaibigan namin kailangan maapektuhan? Sa itsura kong to, imposibleng pagselosan pa ko ako niyan.

****

Kinabukasan, desidido na kong kakausapin si Tasha para pilit ayusin ang problema saming dalawa.

"Asan si Tasha?" Tanong ko dun sa kaibigan niyang babae.

"You mean Natasha? Nasa canteen." Sagot niya. "And by the way, could you try not to talk to me again? Baka akalain pa nilang close tayo. Ewwww. Nerd."

Napatalikod na lang ako sa inis. Kahit nerd ako, never ko ring gugustuhin makaclose mo.

Habang papuntang canteen, nakasalubong ko si Calvin.

"Hi Bro! Ang lulusog ng mga tigyawat mo ah!" Tinapik niya yung balikat ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko pa siyang nagsisigaw na sila na ni Tasha. Tama nga ako.

Never ko pang naramdamang ganito ako kapangit. Ngayon lang.

Maya maya nakita ko si Tasha na nakangiti palapit sakin.

"Tasha, pwede ba tayong mag-usap? Saglit lang to." Sabi ko. Nagulat yata siya nung makita niya ako.

"Pwede bang next time na lang? I have no time for this, Ray." Sabi niya sabay lagpas sakin.

"Bakit ka nagkakaganyan? Baka pwedeng sabihin mo sakin kung may nagawa ako, nagalit kita, o nagkamali ako. Hindi yung isang araw bigla kang magbabago at itatrato akong ibang tao."

"Sorry, wala ako sa mood para sagutin yung mga tanong mo."

"Tasha ano ba..."

"FINE! Nagsawa na ako! Eto ba gusto? Edi fine. Nagsawa akong maging kaibigan mo! You are such a pathethic loser na hindi man lang kayang magbago para sa sarili niya. You keep on swallowing all of the insults from other people. You never grow up. Nakakasawa kang ipagtanggol!"

I never asked her to fight for me. Pero hindi ba dapat ganun sa magkaibigan?

"Pinipilit ko naman e." Sagot ko. I really tried. Kulang na lang mabura na yung mukha ko sa kakafacial ko.

"Well, it doesn't show. So sorry talaga Ray kung ganito na ako sayo. It's too late to save this friendship. I don't want to be your friend anymore."

ANG SAKIT. Hearing those words coming from my own bestfriend's mouth is too painful. Hindi bat parang ang babaw ng dahilan niya?

Ano yun, nung nawala ako dun niya narealize na ang boring kong kasama? At mas nageenjoy siyang kasama yung iba naming kaklase na magaganda nga, yung ugali naman kabaligtaran?

I don't get this life. Kapag maayos itsura mo, katanggap-tanggap ka sa paningin ng iba kahit yung ugali mo hindi nila kilala. Pero kapag, mabait ka, matulungin at magalang, basta pangit ka... lalayuan ka nila?

Hindi ako papayag na ganito na lang matatapos yung pagkakaibigan namin ni Tasha. I will win my bestfriend back.

The Nerd Turns into a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon