Chapter 7: Not yet

11.1K 401 6
                                    


"Si Ray..." I told Calvin.

"Huh?" I keep pointing my finger to him pero nung tumingin si Calvin all of a sudden bigla siyang nawala.

"Si Ray... yung bestfriend ko. I saw him looking at me!" I shouted.

Biglang tumawa si Carly at Aliyah. Si Calvin naman nakakunot ang noo.

"He's here! I swear, nakita ko siya!" Sabi ko sakanila. They continued laughing.

"Iba pala epekto sayo ng alak!" Sigaw ni Aliyah.

"Right. You're drunk na agad?" Tanong ni Carly. Umiling ako.

"Natasha, look. It's been five years, imposible yang sinasabi mo. Baka kamukha niya lang." Sabi ni Aliyah.

"Oo nga! And we are in a bar kaya, imposibleng pumasok sa ganito ang mga nerds!" Sabi ni Carly.

Tinignan ko si Calvin na parang sinasabi na totoo yung nakita ko.

He chuckled then shook his head. "I told you not to drink."

Siguro nga. After all these years, imposible pang magparamdam sakin si Ray. Siguro nga epekto lang to ng alak.

Ford's POV

The moment I came here in the Phil., niyaya na agad ako ng mga pinsan ko na magbar as a welcoming party for me. We're mixed up with boys and girls, nasa sampu kami sa table.

"So Ray--I mean Ford, are you still single?" Tanong nung babae kong pinsan.

I smirked. "It depends."

They laughed so hard. Tawang-tawa sila sakin. Ganito pala nila ako namiss.

They keep on reminiscing my childhood days and wondering how I became like this. 

"Sabihin mo nga... ano yung mga tinuturo sayo dun ni Clark?" Tanong ni Clyde. Yung pinsan kong lalaki, Clark's older brother.

"Too many to mention, Kuya" I told them. They cracked up laughing again. I wonder kung bakit amaze na amaze sila nung nakita nila ako. I guess sobrang dami ngang nagbago.

We keep on chatting, drinking and laughing. Medyo nahihilo na ko nung may nahagip bigla yung mata ko. I saw a lady wearing green dress. I followed her using my vision. She's still with that bastard, Calvin.

"Ford!" Tapik ni Kuya Clyde sa balikat ko.

"Y-yeah?" Tanong ko while still gazing at Natasha.

"Tignan mo to," He showed me his phone with a picture of a girl. "Maganda?" he asked.

"Pwede na." I said to him. The girl looked innocent and plain.

"Tropa ko to. Papakilala ko sayo, baka magawa mo tong babae e." Sabi niya habang ngumingiti dun sa picture.

"Type mo ba?" I asked.

"Baliw, hindi. Asa naman. Totomboy tomboy kaya to." sagot naman niya. Grabe, kakabalik ko pa lang may mission na agad ako.

"What do you want me to do?"

"Alam mo na yun." sabi niya while smiling at me. Ano ako magician?

"I cannot guarantee." sabi ko at binalik ang tingin kay Natasha. She is now in the middle of the dance floor. Nagulat ako, I thought she hates dancing.

I chuckled. The only constant thing in this world is change.

Nagliligpit na kaming magpipinsan, hindi man lang ako nalasing. Yung mga kasama ko ni hindi na makatayo ng maayos.

"Ford..." Tawag sakin ni Kuya Clyde habang nakaakbay sakin.

"Oh?" Sabi ko habang inaalalayan siya.

"Angeline..." Mahinang bulong niya. "Angeline Sanchez. Yung tropa ko."

"Okay." Sabi ko at nagsimula na kong maglakad nang makita kong nakatingin sakin si Natasha. Nanlaki yung mata ko sa gulat.

Kinuha ko yung salamin ni Kuya Clyde at sinuot. Nagulat ako nung dahan-dahan niyang tinataas yung index finger niya at tinuturo ako sa mga kasama niya. Nagmadali ako at lumabas agad kasama yung mga pinsan ko.

The Nerd Turns into a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon