Chapter 1: The Day when it all Started

518 26 4
                                    

 Chapter 1 - The Day when it all Started



Umaga. Isa na namang bagong umaga ang bumungad sa akin.



Isa na namang bagong araw kung saan walang ginawa ang mga tao kungdi maglokohan.



Isa na namang bagong araw na tanging alam ng tao ay gumawa ng bagong kasinungalingan.



Isa na namang bagong araw na walang ibang ginawa ang tao kungdi hayaan ang sarili na kulungin ng bilangguan na tianatawag natin na "lipunan."



Tama. Ganun nga. Ganun nga ang tunay na pangyayari sa buhay natin na hindi natin nakikita. Kahit tayo ay mulat, tayo ay patuloy na nagbubulag-bulagan mula sa katotohanan na ito.



Hindi ko matiis tanungin sa sarili kung gaano ba talaga kahalaga ang mabuhay... ng tunay na halaga ng mabuhay kung wala naman tayong ginawa kungdi lokohin ang sarili natin... ang buhay na ito.



Nagulat ako nang sikuhin ako ng katabi. "Hoy, Leanna... Hoy! Kanina ka pa tinatawag ni ma'am."



Binaling ko ang aking tingin sa aming guro na mukhang nagagalit na naman sa akin.



"Mukhang ang utak mo ay lumilipad na naman, Miss Leanna Paige Mojica. Do you have any problem with my class?"



Full name. First base. Yari na naman ako.



Oo. Ako na naman ang nakikita ng guro namin. Ako na naman dahil ako ay hindi tulad ng aking mga kaklase.



"W-wala po, Mrs. De Guzman," mahinang sambit ko.



"Kung wala kang problema, then bakit ka naman hindi nakiki-cooperate sa klase ko? Hindi mo ba alam na nakakaapekto ka dahil sa ginagawa mo? I want you to meet me in the faculty right after this class," matigas na saad ng guro ko.



Tumango-tango ako na para bang isa akong hayop na sumusunod sa kaniyang amo.



Nakakaasar ngunit wala akong magagawa pa. Kung sa bagay, wala akong kakayahan para ipagtanggol ang sarili dahil isa akong hamak na bata. Isang tuldok mula sa ka-bundok na tuldok. Isang alikabok mula sa ka-bundok na alikabok.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon