Chapter 16: Kings

48 11 0
                                    

Chapter 16 - Kings



Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto, kinabig niya ako at tinulak sa higaan.


"Ano ba?! Nasasaktan ako, Clyde!!!" daing ko.



"Read this," he said coldly.


The heck! 


Ano ako, bata?!



Kaysa sa magsayang pa ako ng laway, mas minabuti ko na sundin ang pinapagawa niya sa akin.



Excerpt from a book 'Eleventh Gem'

"Kailangan mong makaalis dito, Mahal na Princess Zcyrie. Kailangan kang mailigtas rito." ani ni Prince Fyriun Judriel Welton Resveault. Ang aking sinisintang Prince of Western Wind, ang lalaking tanging nakakaintindi sa akin at nagmahal ng tunay at wagas.

"Hindi ako papayag na mahuli ka ng mga Soul Mendler. Lalo na yung si Terrifon Soulemn Untherew Dethrion, ang Crown Heirloom of Deep Pitch! Ayokong mawalay ka sa akin"

"Ngunit prinsesa-"

"Mahal kita, Judriel. Di ko kakayanin na mawalay ka sa akin."

Lingid sa kaalaman ko na bumababa na pala ang kanyang mga luha mula sa aking mga mata.

"Babalikan kita. Manalig ka lang sa akin. Pangako. Hinding- hindi ako papayag na ni isang piraso ng iyong magandang buhok ay kanyang mahahawakan. Mahal na mahal din kita, Zcryie. Ang nag -iisang prinsesa ng puso ko. Ngunit kailangan kang mailigtas. Kakailanganin ka pa ng buong kaharian."

Agad hinawakan ng binata ang magkabilaan ng kanyang pisngi at pinunasan ang tumutulong luha. Kita ko kung gaanong kamahal niya ako mula sa kanyang mga mata. At ganun din ko siya minahal ng husto.

Bigla niya akong binigyan ng marahan na halik, napakatagal, at sadya naman namang puno ng emosyon. Para bang tumigil ang mundo sa aming dalawa. Hiniwalay niya ng halik at agaran akong binigyan ng mahigpit na yapos. Hinila niya ang aking kanang kamay at kumaripas sa pagtakbo.

"Judriel, nandiyan na sila. Humahabol sa atin!" sigaw ko.

"Takbo lang tayo. Zcyrie. Takbo lang"

Nang mapansin namin nanakatakbo kami ng malayo mula sa mga Soul Mendler. Tumabi kami sa may Chlutzpair Tree. Ang pinakasentrong puno sa Melodric Forest, isang kakahuyan na puno ng mga halaman pag-aari ng mga Song Fairies. Hingal kami ng hingal.

"Malayo na ata tayo."

"Sa tingin ko rin. Zcyrie." Habang nagpapahinga, may nakita akong kakaibang halaman - kakaibang bulaklak ata. Maganda, makinang, at parang ngayon palang umuusbong ang karikitan nito.

"Judriel, iwan lang kita muna. May titingnan lang ako." Sabi ko habang naglalakad ng papalayo.

Nahalina ako sa ganda ng bulaklak na ito. Hahawakan ko sana ito ng biglang -

"Zcyrie!!!!"

Biglang tinakapan niya ako mula sa unahan ng aking mahal mula sa kanyang likuran.

"Judriel!!!!"

Hindi ko kinakaya itong nakikita ko. Tinamaan siya ng isang Pain Sorrow, ang armas na gamit ng mga Soul Mendlers. Ito ay lubhang mapanganib na kahit mahika ay hindi ito amtutunbasan. Puwera na lamang kung hawak ko ang Locket of Light. Hindi. Hindi ka pwedeng mawala, Judriel. Mahal kita. Mahal na mahal kita.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon