CHAPTER 1

654 71 3
                                    

JAZ POV.

Nandito ako sa Lee plaza ng tumawag ang aking Ina

"Hello Jaz, Umuwi kana malapit na mag gabi"

"Opo uuwi na Hayst"
Muktol ko at binabaan na si Mama sa tawag, kainis naman kasi wala pa ngang gabi pinapauwi na ako.
May usapan kasi kami ng Ina ko na 6 ako uuwi eh 4 palang!

Nakasimangot ako habang naghihintay ng bus dito sa tabi nang kalsada pero hindi nag tagal ay may tumigil na bus sa harapan ko kaya sumakay na ako. Walang masyadong pasahero ang bus kaya umupo ako kahit saan na gustohin ko. Napag isipan kung pumwesto sa kanan malapit sa harap at siyempre kagaya ng kinagawian ko ay sumiksik ako sa gilid, bandang bintana.

Muli nanaman akung napasimangot ng maalala ko ang milk tea na hindi ko nabili sa Lee Plaza kanina
kasalanan ito ni Mama pinapauwi na agad ako huhu naiiyak talaga ako.

Kainis naman eh sayang ang pag tayo ko ng matagal dun sa pila! Ipinukos ko nalang ang atensyon ko sa labas Ng bus.

Ayaw ko masira ang araw na ito baka mag Kame Kame wave pa ako dito parang tanga Lang? Saktong pag lingon ko sa bintana ay nag stop light at ganoon na lamang ang paglaki ng aking mata.

Hallelujah is this a blessing?!

Isang gwapong nilalang ang aking nadatnan na nakasakay sa kabilang bus na tapat ng sinasakyan ko.
Nakapikit ang kanyang mata habang may headset sa kanyang tainga.
Nakasandal ang kamay niya sa bintana ng bus kaya nakita ko ang kanyang branded na relo at ang kaniyang cellphone wooo mayaman si Kuya! oppa hahahaha

Agad kung kinuha ang aking cellphone at napangiti ng nakakaloko.

May bagong wallpaper na ako Unicorn ! Awiiee

Tinutok ko sa kanya ang camera ko sinigurado kung naka focus ito sa kanya gaya ng atensyon ko sa kanya awiiee~

Napansin kung napalingon siya sa gawi ko. Siguro ay napansin niyang pinipicturan ko siya
wow lakas ng feeling ni Oppa!

Impossible namang marinig niya ang pag click ng camera ko eh de-aircon sa kanya at de-aircon rin ang akin.

Nagkatinginan kami ng matagalan
Ang pogi niya talagaaaa omo oppaaaa
Ang serep niya hehehe
Mag si hunos dila ka Jaz! Hang landi ko talaga jukk

Humugot ako ng lakas sa kaloob looban ko bago ko gawin ang nasa isip ko na muntikan ko ng ikatawa parang tanga Lang Jaz.  Once in a lifetime lang naman ito eh at siguro hindi ko na siya makikita kaya okay Lang hahahaha.

Dahan dahan kung iniangat ang aking kamay pagkatapos ay nag finger heart sa kanya with matching flying kiss pa at kindat! Ang landi ko kasi hahahaha

Nakita kung nanlaki ang kanyang mata kasabay naman ang pag usad na ng bus na sinasakyan niya, ah natigil na pala ang stoplight. Napahalakhak ako dahil sa aking kalokohan. Sobrang lakas ng aking pagtawa kaya pati ang ibang pasahero ay napunta sa akin ang atensyon ewan ko na rin kung pati ang driver HAHA,

Take note with matching palakpak pa ako nagmumukha tuloy akong sea lion. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon 'di bale ay hindi ko na siya siguro makikita ulit baka nga dayo lang iyon ah basta Hindi kona siya makikita hehehe. Sayang dahil hindi ko nakita ang ibang reaction niya.

_____________

"Ma nandito na ang diyosa na Unicorn niyong anak!"

*Na medyo malandi* gusto ko sanang idagdag ng maalala ko nanaman ang ginawa ko kanina. Napahagikgik ako
Omo hahahaha I'm unicornnnn~~ pag kanta ko hahahahaha

"Oh tinatawa tawa mo diyan mukha kang unggoy" saad ng nanay ko. Napasimangot ako mukha daw akung unggoy, ang diyosang Unicorn na si ako ay mukha raw unggoy? Unbelivaboy!

"Oh i-deliver mo itong pagkain sa bago nating kapit bahay iwelcome mo sila ha!" sabi niya at inabot ang pagkain na maayos na nakabalot sa plastic.

Pinagtutulak tulakan pa ako papalabas. Likas na sa aming pamilya ang makipag kaibigan sa mga bagong lipat dito sa village pero aba't pinauwi lang ako ng nanay ko para mag deliver?! Hindi kaya ng bangs ko yan I'm just diyosang Unicorn! My gush!

"Dalian mo bago pa lumamig ang pagkain. Sabihin mo bukas nalang ako dadalaw ha" sabi niya pagkatapos ay sinaraduhan ako ng pinto. Nah hindi man lang pinalapag ang bag na dala ko sa sofa. Inirapan ko muna si Mama kahit hindi niya ako makita atsaka dumeritso sa tabing bahay namin.

Nakita ko ang mga box sa labas ng bahay nila mukhang hindi pa sila tapos mag ayos. Inayos ko mo na ang sarili ko bago ako mag door bell.

Nag rerehearse ako ng sasabihin ko habang nag hihintay na pag buksan ng gate. Narinig ko ang pagyapak ng mga tsinelas na papalapit sa'kin at kasabay nun ang tunog ng pagbukas ng gate.

" Hello! Magandang Hapon welc----"

Muntikan na akung mapamura kasabay nun ang paglaki ng mata ko halos malaglag na ang panga ko ng mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ko.

Ang taong nilandi kanina ng daliri ko. Ang taong fininger heart ko with matching kindat at flying kiss ang nasa harapan ko ngayon!

Is this kamalasan?! Akala ko ba ay hindi ko na siya makikita! Pero ngayon ay nasa harapan ko siya't kapitbahay ko pa! Nakita ko siyang napangisi habang ang buong katawan ko naman ay namamawis. Omo Hindi pwede ito! Babalik nalang ako sa bahay! O Hindi sa Marssss
Mga ka kapatid ko na unicornnnn help meeeee!!

"Anak may bisita ba?" Napalingon ako sa taas kung saan nanggaling ang boses. Isang babaeng hindi bababa sa 50 ang edad ang nakita kung nakadungaw sa bintana sa second floor.Nanlaki ng sobra sobra ang aking mga mata ng bigla nalang akong hilahin papasok sa bahay.

"Opo Mom. Kaibigan ko Mom may dalang meryenda" casual niyang saad. Ano daw?! Kaibigan?! Omoooo

"O-Oi! Anong kaibigan?! nagkakamali ka ata!" sabi ko habang nag pupumiglas sa hawak niya.Ang higpit!

"Nagkakamali? Paano ko makakalimutan ang babaeng nag fifinger heart na may kasamang flying kiss at kindat na basta basta na lang" sarkastiko niyang saad namula naman ako sa sinabi niya shyt!!

"Hindi ko naman na iyon uulitin atsaka isa pa akala ko hindi na kita makikita, Peace na tayo Oppa " medyo pabulong na ang huli kung sinabi.
Omo kung alam ko lang na makikita ko siya ulit edi sana hindi ko na iyon ginawa!

"Hindi na talaga yun mauulit dahil sa'kin kana mula ngayon" humarap siya sa'kin at ngumiti pagkatapos ay kinindatan ako.

"Panagutan mo ang pag finger heart mo sa'kin para kang tanga don. My slave" what!!! Slave?! Buset na lalaki to!! Gawin pa akong alalay sa ganda kong ito? Kung hindi lang siya gwapo, Kung hindi lang siya--

" Done checking?" Napatingin ako sa kaniya nagutat. Ha? Ganun ba kapansin pansin ang pagtitig ko sa kaniya?

" Yeah " huh? Mind reader ba ito? May powers? Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong hilahin papasok sa kanilang bahay na para bang aso ako na hinihila sa lalaking gwapo na ito!

Btw I'm Jazzelle Templo Panganiban, Jaz for short. 17 years of age. And this is my story with my future husband CHAROT!!

______

LOVE WITHOUT LABEL (Orchid Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now