CHAPTER 3: WE MEET AGAIN

304 14 2
                                    

"I think you should go out." Sabi ni Raven at napailing habang pinagmamasdan ako. I am so busy preparing the kid's lunch.

It's been a month since the last time I talked to that jerk. Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ko na naman si King.

Kumukulo talaga ang dugo ko. Pati sa sarili ko, naiinis ako. I realized that I have been so stupid. Ang tanga ko para maniwala agad sa mga nakikita kong kabutihan niya. Actually, it was a bad signal. He was too good to be true and I didn't saw that coming.

Or maybe because I was to blind. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nagpadala ako sa mga nabasa ko. Iba pala talaga kapag nakasama na si King. Mas makikilala ko ang tunay niyang kulay.

"Go out? Bakit? Maganda nga ito. Nagpapaka-busy ako. Kaysa naman magmukmok ako."

Nadurog na naman ang puso ko. Oo nga't busy ako tuwing day time pero walang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa akin tuwing gabi.

I felt sad and desperate. Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari at tinatanong ko ang sarili ko. May mali ba sa akin para i-dump ni King nang ganito?

"Tama kaya lang sumusobra naman. Kalma ka lang. Huwag mo nang iniisip si King." worried na payo ni Raven.

I told Raven everything. Masisira ang ulo ko kapag wala akong pinagsabihan. Sobrang na-down ako sa ginawa ni King. Nakadagdag pa ang nababalitaan kobg may nakaka-date na siya. It really broke my heart.

And I know wala akong karapatan pero ang tanga kong puso, sobrang nasasaktan. Lumalim ang admiration ko kay King. Kung alam ko lang na ganito siya, ginawa ko ang lahat para noon pa ay naawat ang sarili ko sa kahibangan.

"Hindi ko naman na siya iniisip. Isang buwan na. Wala na iyon. Tawagin mo na ang mga bata." pagiiba ko at tumalima na si Raven. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga bata at nagsikain. Ako naman ay umasiste at inasikaso na sila.

Sa ganoon ko inuubos ang oras ko kapag tapos na ang mga engagement ko sa ibang bansa. Hindi ako nagtatagal sa bahay dahil naalala ko lang si King.

Nang matapos ay hinarap ko ang emails ko. Napukaw ang interest ko nang may makitang invitation para sa isang charity ball na gaganapin sa New York.

"Nabasa mo na?" untag ni Raven at nakisilip sa ipad ko. Ngumiti siya nang makitang pinabasa ko ang email ng sponsor ng ball. "Pumunta tayo. Tinawagan ako nung kakilala ko. Rich and affluent businessmen is going to attend the ball. Perfect time to meet people who can donate in the orphanage."

"Let me check my schedule." sabi ko at agad tiningnan ang planner. Napangiti ako nang makitang libre ang araw na iyon. Sakto pa dahil kinabukasan ay malapit lang sa hotel na iyon ang pictorial na puputahan ko.

"Everything okay?" tanong ni Raven.

"Yes. I will send my confirmation." sabi ko at nag-send na.

"Great!"

Nagkangitian kami hanggang sa natigilan siya. "Wait. If billionaires will be there. Sigurado akong nandoon si Mr
Zacariaz."

Kumabog ang puso ko. Damn this heart. Pangalan pa lang ni King, nag-react agad.

"Huwag mong papansinin." naiinis na payo ni Raven.

"Para kang bata. Of course I will ignore him. There's no use on approaching King."

Kuntentong tumango si Raven. Saglit kaming nagusap hanggang sa nagpaalam na si Raven. Ako naman ay itinutok na ang atensyon sa mga emails.

Pero maya't maya ang pagpasok ni King sa isip ko. Pupunta kaya siya? Isasama ba niya 'yung napapabalitang anak ng business tycoon na naipapabalitang girlfriend niya?

Parang mayroong sumuntok sa dibdib ko hanggang sa napailing. Pinagsabihan ko ang sarili ko. Tama na ang kakaisip kay King.

Days passed, paulit ulit lang ang nangyayari. I kept thinking about the ball and King. Halo ang nararamdaman kong emosyon.

And I am not going to deny it. Medyo nae-excite akong makita sa malayo si King. Curious ako sa itsura niya.

Napailing na lang ako. Panay ang isip ko kay King pero malamang siya ay nalimutan na ako.

"Here's our dress for the ball!" impit na tili ni Raven pagkapasok sa kuwarto habang bitbit ang dalawang dress. Iniabot niya sa akin ang isa. Nang makita ko ang tag ay tipid lang akong ngumiti. Galing iyon sa designer ko. Alam na alam na niya ang dapat iprepara sa mga pupuntahan kong event.

Raven and I prepared. Kasama ko ang personal assistant ko at make up artist. Hindi nagtagal ay sakay ba kami ng eroplano papuntang New York.

After so many hours, nakarating na kami sa New York at agad nang nag-check in. Saglit na nagpahinga at nag-ayos. When everything is set, we decided to go to the ball.

Pagpasok pa lang ay nanikip na ang dibdib ko. It's not because the place is full pack and handsome billionaires are all around. It's not because high profile people and familiar faces are there.

Its because the moment I walked in that door, I saw the man who dumpd me and broke my heart--King Zacariaz. He is with Rhys Jared Easton--sole heir to the Easton Inc. which is an American multinational conglomerate based in New York.

I caught them watching at me like they are watching their prey.

-------------------

DISCLAIMER:

Information about Rhys Jared Easton should be credit to Jablair (the writer and owner of the character).

THIS IS A COLLABORATION STORY WITH jablair_writesUNDER ELF KING PUBLISHING.

THIS IS THE STORY OF KING ZACARIAZ, THE FRIEND OF RHYS JARED EASTON OF THE TYCOON'S REDEMPTION. YOU CAN READ THE STORY HERE: https://my.w.tt/MKDzjcDhr7

***************

THE TYCOON'S REVENGEWhere stories live. Discover now