HAROT

368 6 1
                                    

Limang letra
Pero marami ng na biktima
At umaasa
Ang iba'y nasaktan na
At nagpakatanga
Naranasan ko na rin 'to mga kasama
Ito'y isang tula
Na pwede rin maging isang babala

Ikaw ay kilig na kilig
Pero ang totoo pala'y hindi ka niya tunay na iniibig
Ito'y isang sinungaling

Hinarot pero sa huli ay may charot
Isa sa mga galawan at palusot
Mag-ingat ka, dahil pwede ka niyang
i-ghost

Charot lang pala 'yon sana hindi kaagad naniwala
"Mahal kita" dalawang salita
Pero ka-plastikan lang pala
Ako naman, parang isang tanga
Marupok at umaasa
Akala ko, ikaw na
Hindi pa pala
Iniwan mo lang akong nag-iisa

Ang sakit diba?
Sana, sana...
Hindi nalang kita nakilala
Sana, sinabihan mo nalang ako sa una pa
Pero huwag mo akong kakalimutan ha?
Tanggap ko pa rin kahit kaibigan lang ha?
Paalam. 

VidiaScarlet

Rhythm Of Her Emotions: Poems Of ScarletVidiaWhere stories live. Discover now