#1

3.1K 85 57
                                    

Kayong mga babae, hindi niyo ba alam na mahirap maging lalaki.

Ang problema sa inyo, may isa lang na nanakit sa inyo lahat na ng lalaki ay nasisi na babaero.

Marami pang lalaking seryoso, lumingon ka. Hindi puro gwapo lang, paano naman kaming mga loyal?

Kapag kami kinilig, hindi namin pinapahalata kasi mapagsasabihan kaming bakla. Kaya ngingiti nalang kami. Tapos mag-aalinlangan pa kayo kung may gusto ba talaga kami sa'yo? Anong gusto niyo? Tumili kami? Literal na mangisay sa kilig?

Kapag nanligaw, ihahatid sa bahay, magdadala ng bag, gagawin ang lahat mapasaya ka lang, magsasayang ng load, ililibre tapos ang ending. "Sorry, hanggang friends lang tayo.."

Hindi naman porke lalaki kami, hindi na kame nasasaktan. Tao din kami, nagmamahal at nasasaktan.

Hindi lang namin pinapakitang kami'y mahina.

Hindi porket ginawa ng isa na nanloko ay yun na lahat ng paningin mo sa lalake. Paano si God at tatay mo? Lalake rin sila na minamahal na pinagkakatiwalaan mo. May natitira pang gaya niya sa amin. Na hindi ka sasaktan, mamahalin bilang ikaw. :)

Usapang lalakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon