Chapter 10

61.9K 1.7K 52
                                    

Chapter 10

"Chloe, kanina ka pa hinihintay ni Wesley."

Nakasalubong ko si Kuya Steff habang pababa ako ng hagdan mula sa guest room kung nasaan si Saturn.

"Huh? Siya lang mag-isa?"

"Yup."

Nagtungo ako sa living room. Nandoon nga si Wesley na nakaupo sa couch habang naghihintay sa'kin.

"Wesley?"

He smiled. "I just wanted to tell you something."

Umupo ako sa katapat ng couch na inuupuan niya. "Ano 'yon?"

"I just wanted to apologize too. We should have warned you about Saturn's personality." He smiled apologetically.

Umiling ako habang winawagayway ang aking kamay. "Ano ka ba? Hindi mo na kailangan mag-sorry. Nag-sorry na siya sa'kin."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "He did?!"

Nagtataka man sa kanyang reaksyon, ang tanging nagawa ko lang ay tumango.

Sumandal siya sa couch. He looked relieved. "We've been friends since we were kids. He had a rough childhood. He grew up studying most of the time because that was what his father wanted him to do. He didn't even allow him to play with his friends."

I bit my lower lip. "Bakit mo sinasabi sa'kin ang mga bagay na 'yan? I don't think I have the right to know."

Umiling siya. "Saturn was cold and aloof to other people besides me and Jonas. He rarely talks to anyone. Hindi rin siya 'yong tipong magbibitaw ng masasakit na salita. I just noticed that when he's around you, he snaps and talks more than he intends to."

Nanatili akong tahimik.

I had a feeling that Saturn behaves like that because of his parents. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa'kin noon. It was probably depressing to force yourself to like something you hate to do.

"I'm telling you this because I have a feeling that you'll understand him and he'll open up to you someday."

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sinabi sa'kin ni Wesley ang mga bagay na 'yon tungkol kay Saturn. Sa huli ay hindi na ako nagtanong pa. Hindi rin nagtagal si Wesley at umuwi na rin siya.

I went back to the guest room where Saturn is. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Pinalitan ko ang towel na nakalagay sa kanyang noo. I checked for his temperature and he wasn't as hot as earlier.

Umupo ako sa upuan na katabi ng kama.

Sa sinabi ni Wesley, nacurious tuloy ako tungkol kay Saturn. Gusto ko pang malaman ang mga bagay tungkol sa kanya. Gusto ko pa siyang makilala ng husto.

He said he wanted to draw. I want to see him doing that.

Nagising ako nang maramdaman kong para akong mahuhulog. Bumangon ako at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Napakamot ako sa aking batok. Umuwi na siguro si Saturn.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon