Boyfriend for Rent Part 15.3

2K 22 0
                                    

RAIN POV

*SKYPE

"Off mo ngayon?.."

"Opo mama.. Kamusta na po kayo diyan?..Kamusta sila keia, josh at julie.?"

"Ay naku nak. ok naman sila.. ok  naman si keia.. ayun.. busy sa work niya sa as advertising manager ng isang magazine...   si julie naman gagraduate na.. si josh naman.. ayun may nililigawan na.. Grabe anak.. miss na miss ka na namin dito.."

"Ako din ma miss na miss ko na din po kayo.. kaso mukang matatagalan pa bago ako makauwi.. alam mo naman ma.. mahal ang pamasahe.. saka nagiipon pa po para sa pagpapaextension natin ng bahay.."

"Ay naku anak.. salamat naman.. pero parang mas maganda kung nandito ka.. "

"Ma.. konting tiis lang.. siguro mga 5 years pa.. heheh.. "

"Ay naku bata ka.. anong 5 years??.. ang tagal naman nun anak.. teka.. kamusta na pala ikaw diyan?.. kayo na ba ni lemuel?"

"MA!!!.. ano ba.. bestfriend ko lang si lem.. "

"Sus Bestfriend nga ba?.. naku mawawala ka na sa kalendaryo ah.. wala ka bang balak mag-asawa ulit?"

natahimik ako..

MAG-AASAWA PA BA AKO??..

"Alam ko, mahirap kalimutan yung nangyari sayo sa nakaraan..  pero hindi ibig sabihin nun pipigilan mo na ulit yung sarili mo  na maging  masaya.. You deserve to be happy Rain.. at kung mabibigay naman sayo ni lemuel yun eh di go for it.. i think mabuti naman siyang tao.. at hindi biro ang 6 years na paghihitay niya sayo.. sige ka.. kapag yan napagod.. wala ka ng mahahnap na katulad niyan.."

"Ma.."

"Rain.. Magulang mo ako.. gusto lang kitang maging masaya..."

"Alam ko naman po yun ma.. kaso.. "

"Kaso ano?.. wag mong sabihin na mahal mo pa din yung Enzo na yun?"

"Ewan ko po.."

"Hay.. "

"HELOO ANAK!.. si papa to.. wow anak pumuputi ka ah!"

TOINKZ!

Si Papa sumira  ng moment namin ni mama.. and I thank him for that..

Di ko talaga alam kung anong sasabihin ko kay mama..

Another side of my brain.. gustong itry with lemuel..

pero yung kabilang side gustong umasa.. na baka puwede pa..

>___<

ANGGULO..

"Ay naku!.. Ikaw talaga.,. tignan mong seryoso ang pinaguusapan namin ng anak  mo.. bigla kang sisingit diyan"

sabi ni mama kay papa ..

"Eh ikaw naman kasi.. minsan na lang natin makausap yang anak natin puro sa malungkot nabagay pa.. eh kung masasaya na lang kaya ang pagusapan natin.. diba anak?.. tignan mo tong nanay mo talaga.."

"ewan ko sayo..!"

sabi ulit ni mama

Natatawa na lang ako sa mga magulang ko..

Mag-aaway tapos mamaya sweet na ulit..

I miss them so much!..

kung puwede lang lumusot ngayon dito sa laptop at paglusot ko.. sila na agad ang kasama ko!..

BOYFRIEND for RENT - COMPLETE -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon