Boyfriend for rent part 6.2

2.9K 38 0
                                    

MAY 25, 2012

Fernwood Garden

There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night

This is it! My wedding day,

Sabi nila, eto daw yung pinaka special na araw para sa mga babae kasi sa wakas makakatuluyan na nila ang kanilang Prince Charming..

Pero bakit di ako Masaya? Prince Charming ko din naman ang mapapangasawa ko eh..

Yung nga lang DRAWING LANG!

Meaning hindi totoo.. pakitang tao lang..

May expiration date!!..

T.T

Teka, sabi din pala nila, yung pinakamatamis na salita na maririnig mo ay yung “I do” ng partner mo..

Pero bakit para saakin “ I do” ang pinakanakakatakot na salita na maririnig ko ngayong araw na ito..

“I do” 2 words lang pero mabigat ang binibigay na responsibilidad once na sinabi mo..

I just can't believe that you are mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore….

Di ko din maappreciate yung background music

Forevermore??

Hanggang saan ang Forevermore?..

Samin kasi ni enzo hanggang 2years lang T.T

WWWWWaaaaaaaaaaaaaaa.. ang negative ko ngayon..

Habang nakikita ko lahat ng tao na nadadaanan ko, lungkot ang nararamdaman ko.. kasi buti pa sila, Masaya pero yung mismong ikakasal HINDI!..

Naguilty ako!..feeling ko nagkaroon ako ng kasalanan sa sarili ko..

Pinigilan ko na naman kasi yung sarili ko na maging Masaya …

Panibagong paghihirap na naman tong pinasok ko..

Aja RAIN!.. Aja!!..

“Anak, ok ka lang ba? Eto na yung kasal mo..masaya ka ba?” sabi ni mama saakin

Napayakap ako kila mama at papa

“Oh ang baby namin umiiyak..ok lang yan..ok lang yan..”

“Tahan ka na, masisira make up mo” Pag-amo ni mama saakin

Nagpatuloy na kami maglakad…

Ang daming nakangiti.. yung mga kaibigan ko.. kamag-anak ko.. at si Enzo..

Bakit ka nakangiti?? Ano ba talaga ang totoo?..arte lang ba yan?

Iaabot na ako ng magulang ko kay enzo

“Enzo, binibigay ko na sayong pangangalaga ang mahal kong anak, ikaw na bahala sa kanya!.. Wag mo siyang papaiyakin..” maiyak iyak na sabi ni papa kay enzo

“Opo pa, makakaasa kayo.. Mahal ko po itong anak niyo”

Napatingin ako kay enzo..

Ang galing mo! Bilib na talaga ako sayo sa pag-arte!..

Pero ngumiti lang to..habang hawak hawak ang kamay ko ng mahigpit

All those years, I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night, I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine

BOYFRIEND for RENT - COMPLETE -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon