Paulit-ulit

11 4 1
                                    

Paulit - ulit kitang pinili
Kapalit ng pandaliang ngiti
Nag akalang sa gitna ng mga pait
Pag - ibig mo ang kapalit

Paulit - ulit kong piniling masaktan
Sa pag asang pagmamahal mo ang makakamtan
Subalit ngayon ikaw ay nasaan ?
Habang ang mga mata ay luhaan

Paulit - ulit akong lumaban
Sapagkat akala ko ikaw ay nariyan lang
Nag akala na hindi ka kailanman lilisan
Ngunit huli hindi rin pala ikaw ang kapalaran

Paulit -ulit akong saiyo kumapit
At sa iyo'y patuloy na nagpa-akit
Pero sadyang kay sakit
Sapagkat pag-ibig mo sa akin'y iyong pinagkait

Paulit - ulit akong saiyo ay umaasa
Ngunit sa piling ng iba ikaw'y nagpakasasa
Ano ba ang aking pagkakasala
Upang ako'y hindi mo man lang isa alang -alang

Paulit - ulit akong nagtiis
Sa mga ala- ala hindi ka kailanman na alis
Bagamat Ako'y hindi mo ninais
Patuloy na sau ay nagtiis

J POEMS COLLECTION by : kioshi akiWhere stories live. Discover now