Lamig

4 0 0
                                    

Ngayon ko lang naramdaman yung lamig
Pagkat di ko na rin marinig ang yong himig
Sadyang hindi na maibabalik
Ang mga  ngiti at pananabik

Ngayon lamang ako nilamig
Hindi lamang sa iyong himig
Pati na rin sa iyong mga titig
Hudyat ba ito ng paglisan ng yong pag ibig

Ngayon ko lang pinansin yung lamig
Tumatagos mula laman hanggang saking litid
Marahil ako lamang ang nakakabatid
Sa ating ugnayan na malapit ng mapatid

J POEMS COLLECTION by : kioshi akiWhere stories live. Discover now