K12

92.3K 1.8K 20
                                    

[FLASHBACK]

Mas naging maayos kami ni Luigi magmula nang sabihin nya sa akin na sumama ang loob nya noong hindi ako makapag-open sa kanya. Sa totoo lang, natouch ako sa sinabi nya dahil pakiramdam ko mahalaga pala para rito ang mga ikkwento o' sasabihin ko.

Hindi maiiwasang may mga nagpapakita parin ng inis sa akin pero di gaya ng dati, hindi na ako masyadong nagpapaapekto at ito yung maliliit na bagay na hindi ko na lang sinasabi kay Luigi, ayoko namang magmukang sumbongera.

Napalitan na rin ang prof namin sa Strat Man..Si sir Romualdez na ang pumalit kay Ms. Chrizel. Mas gusto ko talaga sya dahil bukod sa mabait ay magaling magturo at..hindi lumilipad ang isip ko kung saan-saan di gaya noong si Ms. Chrizel palaging nagrereplay sa utak ko ang unang pagkikita namin ni Luigi.

Madalang pumasok si Luigi sa klase namin pero hindi nito nakakalimutang magtext o' tumawag. Minsan nag-iiwan pa ito ng roses o' pagkain sa upuan ko, di kaya ipinaabot kay Precy.

"You look disoriented.." totoong may halong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil makikita ko na muli ang pamilya ko. Isa pa sa ikinasisiya ko ay ang pag-aya mismo ni Luigi na makilala ang pamilya ko. Kinakabahan dahil di ko alam kung anong aabutan nya sa bahay o' kung anong magiging reaksyon ng nanay at tatay kapag ipinakilala ko si Luigi sa kanila bilang nobyo.

"Hindi naman siguro ako hahabulin ni tatay ng itak o' baril doon?" Kahit kinakabahan ay nagawa ko paring tumawa. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko aa kanya. Nabawasan-bawasan ang pagiging suplado nito. Noon kasi pakiramdam ko tatay ko siya, don't get me wrong hindi dahil mas matanda sya sa akin kundi dahil minsan kung maghigpit ito sa akin ay mas malala pa sa sarili kong ama.

"Hindi ka ba kinakabahan?" Pinagsiklop nito ang aming kamay. Ang gaan sa pakiramdam ng ganitong gesture ni Luigi. Pakiramdam ko ay napakaimportanteng tao ko sa kanya.

"Of course I am..makikilala ko na ang parents mo, we'll never know kung magugustuhan ba nila ako o'hindi..hindi ko lang pinapahalata kasi ayokong sabayan ang pagiging tensyonado mo.. stop that.." tugon nito sabay hawak sa aking baba para maalis ang pagkakagat ko sa aking labi.

"Sorry.." sagot ko.

"You know I won't accept sorry" nagulat ako nang igilid nito ang sasakyan. Bago pa man ako magprotesta ay siniil na ako nito ng malalim na halik na tinugon ko kahit medyo natataranta pa ako.

"Someday..I should teach you to make out para hindi ako masyadong nabibitin" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at hinampas sya sa braso na ikinatawa lang nito.

"Luigi!! 17 lang po ako!"

"What? Did I say ngayon na? I said someday" namula ako dahil sa sinabi nito. Minsan talaga walang preno sa pagpapakilig ang lalaking ito.

Abot-abot ang kaba ko nang makarating kami sa bahay. "Pasensya ka na sa lugar namin Luigi.." pinatigil ako nito sa pagsasalita sa pamamagitan ng halik. Nakakarami na ng halik ang lalaking ito ah. Kitang-kita ko ang paghanga ng marami sasakyan ng kasama ko gayun din ang malalagkit na tingin ng nga kababaihan maging sila Aling Toleng na agad nagsibulungan nang mapadaan kami.

"I don't care..let's go? " inakay na ako nito para maglakad.

"Ate!!!" Narinig kong tawag ni Chuno, ang tatlong taon gulang kong kapatid.

"Chuno..baby..ang dungis dungis mo oh!" Binuhat ko ito at pinupog ng halik sa mukha.

"Ate..ate..tama na po!" Pinaggigilan ko kasi ito. Ang tambok ng mukha. Tumikhim ang katabi ko at nakabusangot na ang mukha. Nakita ko namang napanganga ang kapatid ko.

"Ahm..Luigi, si Chuno, bunsong kapatid ko, Chuno baby, si kuya Luigi.." ibinababa ko si Chuno at natuwa ako rito dahil niyakap nito agad sa tuhod si Luigi. Bumaba naman si Luigi para magpantay sila ng kapatid ko.

The Badboy's Returnحيث تعيش القصص. اكتشف الآن