10th Page

48 3 0
                                    

Dear Notebook,

Ang hirap pala talaga maging isang Fangirl 'no, Enbi? Kasi yung pangarap ko, hanggang pangarap ko lang talaga. Kasi andito ako, nabubuhay sa pantasya, pilit tinatakasan ang realidad.

Hays! Sana makilala ko na yung taong nakatadhana sa akin. Yung totoo, hindi hanggang pangarap lang. Yung kusa na lang magtatagpo yung landas namin. Magagawa niya sa akin yung mga inaasam kong gawin sa akin ni Idol. Siya ang magpupuno ng tinira kong espasyo dito sa puso ko para sa taong mamahalin ko at mamahalin ako. Yieee! Kinikilig ako!

Ang gulo ko ba? Kanina broken hearted tapos ngayon naglalandi na?

Pero, sana nga dumating na siya, ng matigil na ang kahibangan ko (sabi nila). Ng matigil na rin ang paghiling kong may kaakibat na 'sana'.

Sana bumalik na net namin.

Sana pag bumalik na, bumilis naman na ng mawala na yung pagloloading at pagha-hang, nakakabwisit kasi.

Sana mayaman ako para makapunta ako sa Korea.

Sana magtagpo ang landas namin.

Sana maganda at sexy ako para mapansin niya ako kapag nagkita kami.

Sana may magic, para boom! Kami na! Na-love at first sight kasi siya sa kin.

Sana maging asawa ko siya at may anak kaming kambal.

Sana hindi lang ito hanggang pangarap.

Oh di ba! Ang dami. Pero kapag dumating na siya, ayun na ang huli kong sana.

P.S. Paulit-ulit yung sana, nakakabuang Enbi.

-Fangirl

Fangirl's NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon