5th Page

68 3 2
                                    

Dear Notebook,

Enbi! Ang sakit! Ang sakit-sakit ng puso ko!!! Bakit?! Bakit ko pa kasi nakita sa newsfeed ko na nakikipagdate na pala siya?!! Okay lang sana kung sa akin, pero hindi!

Oo bagay kayo sa maraming aspeto. Parehas kayong sikat, tinitingala. Pogi ka, maganda siya. Talentado kayong dalawa. At higit sa lahat, gusto niyo ang isa't-isa.

At ako, simpleng tao lang. Kumpara naman sa'yo, para lang akong alalay mo. At saka, di mo naman ako kilala, di mo alam na nag-eexist ako sa mundo. Isa lang akong hamak na fan mo. Tagahanga mo. Period.

Ang sakit talaga Enbi! Feeling ko nakipagbreak siya sa akin, kahit walang kami.

-Fangirl

Fangirl's NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon