NATUTO NA AKO

11 4 7
                                    


Para sa mga taong kailangan ng isang malaking sampal hahaha (evil laugh)

Sa mga patuloy na umaasa at nagpapakatanga, gising na huy!

°°°

Nung oras na sinampal mo sa akin ang katotohanan
Na hindi mo maibibigay ang higit pa sa kaibigan
Ako'y nasaktan at napaluha
Nauto sa maling akala

Iniwasan mo ako at di pinansin
Naging malayo at mainisin
Kung tingnan mo ako'y nakakadurog
Puso ko ay nagkalasog-lasog

Pinutol ang lahat ng koneksyon
Para ako ay turuan ng leksyon
Hindi na tayo tulad ng dati
Yung dating masaya at puro ngiti

Pero heto parin at nagpapakatanga
Kahit wala namang mapapala
Mas lalo lamang tumitindi
Parang apoy na laging may sindi

Lumipas ang araw, ikaw parin
Kahit na pagbabaliktarin
Naging marupok at desperada
Para ng isang sirang plaka

Sinabi mong di moko gusto
At kinamumuhian ng husto
Kainlanma'y di iibig
Masama lagi ang titig

Lagi kang lumalayo
Pag lumapit ako, ika'y tatayo
Hindi ako matingnan
Para akong nadurog na pinggan

Masakit palang mabalewala
Hindi makita ng halaga
Kaya ngayon ay natuto na
Ika'y kalimutan at ibaon na

Ibaon sa limot ay nakaraan
Magmove-on sa anumang paraan
Ika'y lalaki lamang, mapanakit
Hatid lang ay kirot at sakit

Natuto na ako
Gagamutin na ang puso
Sarili ay mamahalin
Hindi kana iibigin.

°

Hindi naging mali kailanman ang umibig ang mali lamang ay ang magpakatanga para sa maling tao right?

So, please do love yourself first.

Lovelotsss❤

POETRY; BY THE WORD OF MOUTHWhere stories live. Discover now