13

1.3K 21 1
                                    

Even if it was heaven that I will experience, I'd rather be in hell than to be with you again.
___________________________________

Porshia's POV:

Ang aga aga irap nanaman ang naisalubong ko kay Lovey. Para kasing tanga na pinapunta ako sa Meisha mall ng alas nwebe ng umaga.

Sinong kampon ni Satanas gagawa nun?

"Bakit mo ba ako pinapunta dito ha? Kailangan mo ba ng maninira ng araw mo? Kasi nasira mo na umaga ko, damay damay na to"

Tumawa nalang sya ng malakas. At saang universe ako nagjojoke? Hilo ba sya? O sadyang wala lang sa hulog isip nya. Ang aga aga ha, sampigain ko sya eh.

"Relax, di ka naman papatayin dito"

Napahalukipkip ako at namewang sa harapan ng kaibigan ko.

"Kung mamamatay man ako, hindi ganto kacheap! Ano bang problema mo at naghahalungkat ka ng damit jan? Kung hahanap ka ng flaw sa fashion line ko, bitch aabutin ka pa ng kamatayan ko-"

At nasaniban na nga yata ng espiritu ng pagkabastos tong kausap ko para ilapat ang hintuturo nya sa plump kong labi.

"May kikitain ka ngayon"

At lalong nagwala ang demonyo sa loob ko, punyeta, may masamang espiritu na talagang sumapi sa kaibigan ko at ganyan sya magsalita ngayon.

"Kikitain? As in date?"

Napabugtong hininga sya at hinatak muna ako sa Starbucks.

"Halika muna, alam kong bobita ka kapag di ka pa nakakapagkape sa umaga"

Inirapan ko nalang sya at iniisip ko, so bakit ako sinet up ng babaeng to? Concerned ba to sa sex life ko? Edi sya na may asawa, ay technically, meron pa pala ako, feeling binata kasi si gago.

"So... pagusapan natin mga makakablind date mo"

Mejo napalunok ako sa sinabi nya. Tama ba ako ng pagkakarinig?

"EXCUSE ME BUT- MGA?"

Tumawa naman sya sakin, hala. Nahihibang na talaga sya dinadamay nalang nya ako.


"Well sisimulan natin kay Jonathan-"


"Auto pass, galing sa Bible yung pangalan. Baka kapag umungol ako eh masunog ako bigla"


Kung sino ka man Jonathan, palitan mo na pangalan mo kasi di ka makakaattract ng mga sexy na demonyo


"Mayroon pa akong David, Jeremiah at Jacob"


Napasapo ako sa noo ko, bakit naman ambabanal ng mga pangalan nila? Sigurado na bang totoo to


Sinampal ko sarili ko to make sure na hindi ako nananaginip. At pucha, totoo nga.


"Si Jacob nalang, sya lang naman yung apealing sa kanilang lahat"

Tumawa si Lovey at tinawagan na si Jacob, dumeretso na kami sa shop at naghanap na ako ng dadamitin, kung hindi ko lang mahal tong kaibigan ko, kanina ko pa to nasampal.


Nagsuot ako ng mom jeans, cropped statement tee at white sneakers. Hindi ko na kailangan magayos masyado, napilitan lang ako eh. Kung pwede ngang magpambahay nalang ako baka ginawa ko pa.



Dere deretso ako sa fine dining resto at nakita ko na agad yung Jacob. Mukhang mabait, di uubra sakin to



"Hi ikaw ba si-"



"Wag ka na magtanong nakita mong umuupo na ako sa harapan mo malamang ako yun"


Nagkibit balikat lang sya at sumenyas sa mga crew. Luh? May ari ba sya nito?



"Oo may ari ako nito"


Hindi naman ako nagsasalita, pero pano nya nababasa utak ko? Hilo ba sya? Anong meron sya? ESPN?

"Wala akong ESPN, nababasa ko lahat sa behavior mo, Hi I'm Jacob Viery Sotaurus, Doctor in Psychology"


Mejo napanganga ako sa sinabi nya, naknampucha doctor yung sinet up sakin.



"Porshia."


Nilahad ko ang kamay ko para magshake hands and tinugunan naman nya.



"So, bat mo naisipan makipag blind date?"



Napasandal sya sa upuan nya at nagkibit balikad. Galawang antipatiko.



"Wala lang, bored lang"



Aba naman at- hindi nalang ako nagreact at hinayaan ko nalang lumipas ang oras. Ayoko rin kasing magsayang ng panahon



"Nagulat ako di ka nagsalad"


Umirap ako sakanya.



"Wala akong pake sa iisipin mo kung ganado ako kumain. Salad salad pa, eh itatae ko rin naman to, mas worth it kapag masarap kinain ko"


Napatawa naman sya, nagusap pa kami ng matagal and he's kind naman, pero ewan, gusto ko syang maging kaibigan kasi ang chill nya kasama.


Naumay ako bigla sa steak na kinain ko at nagcrave ako sa watermelon at ice cream kaya nagmadali akong naghanap ng ice cream parlor.



"Hoy, kamusta?"



Hindi na ako nagulat sa naglalakad na surveillance kong kaibigan na si Lovey.


"Chill lang, ang sarap nung steak"


Nanlaki mata ni Lovey sakin.



"Steak? Ever since nagasawa ka di ka na kumakain nun ha, pati bakit mo ihinalo ang vanilla ica cream sa watermelon smoothie na may froot loops?"


Umirap ako at sumubo.


"Nageenjoy ako!"


Sigaw ko habang may laman bibig ko, mejo nagdilim ang mukha ni Lovey at nagtaka.


"Bakla ka, feeling ko iba na yan"


"Wala akong pake, feeling ko deserve ko mabusog"


________________________________

Henlo! I'm back.

Biyuda DiariesWhere stories live. Discover now