16

576 34 6
                                    

Ken's P.O.V.

Less than an hour, naandito na ako sa unit ko, so while waiting for Hans, ininit ko muna sa microwave 'yung pasta na natira nung nakaraan. Kapag sira na 'to, kay Hans ko papaubos lahat. Nag-on din ako sa mp3 player ko ng song.

{ np // love someone by lukas graham }

🎶 Cause you still look perfect as days go by, even the worst ones, you make me smile I'd stop the world if it gave us time... 🎶

Natigil lang 'yung pagkanta ko nung may nag-doorbell.

"What's up bro!" Bati agad ni Hans sa akin, nakita ko rin na may bitbit siyang 6 na bote ng Heineken.

"Akala ko mamaya ka pa eh, buti ininit ko na 'yung pasta. Tikman mo nga kung okay pa. Para ikaw ang masiraan ng tiyan at hindi ako." Asar ko sa kanya.

"Siraulo ka Ken, so bakit ano problema natin brad?" tanong ni Hans sa akin.

Kinuwento ko sa kanya lahat, hindi ko alam kung nare-recall pa niya si Jah, pero kasi isa rin siya sa nagsabi noon sa akin na iba kinikilos ni Jah nung magkakaibigan pa kami ng High School eh ako pinagsawalang bahala ko lang.

"Ha? Eh akala ko alam mo na noon? Kutob ko na kasi eh." sabi ni Hans sakin sabay lagok ng alak.

"Gagi, hindi ko nga alam. Occupied kasi isipan ko nung mga panahon na 'yon dahil kay Mom."

"Manhid ka Ken, Manhid! Eh ngayon ba, gusto ka pa rin?"  tanong ni Hans sa akin.

"Ano, umamin sa akin. Binisita ko kasi siya nung nagkasakit siya. Tapos umamin sa akin, gusto raw niya ako. Syempre ako naman, tanga, pinagsawalang bahala uli, sinabi ko lang na epekto ng lagnat yun." sabay inom ng alak.

"Bobo ka! Kaya ka nafifriendzone jan eh. Pero ano naman problema mo ngayon tungkol jan?"

"Paano ba malaman kung may gusto ka sa tao? Kasi, nung nalaman ko sa GC namin sa department na may sakit si Jah, nung una ayaw ko dalawin, pero nung hapon na, nagpunta na ako sa kanila. Bumili pa ako ng meryenda! Tapos kanina lang, kasama niya ka-M.U. niya sa Town Center, hindi ko naman balak sundan, pero andun ako sa kinainan nila, nag-ii-spy! Diba, nakaka-gago, di ko alam ano 'tong nararamdaman ko." sagot ko. Totoo naman eh, di ko talaga alam.

Uminom muna siya sabay subo ng pasta. Balak pa yata ako bitinin sa advice nitong mokong na ito.

"Ha, eh obvious na eh. Gusto mo na 'yung tao. Kung wala lang si Jah sa iyo, bakit kailangan mo pa sundan sa Town Center, at mag-ispy kung wala kang pakialam? Nag-sayang ka ng oras para sa wala? Natural, may feelings ka sa tao kaya ganyan ka. Pag inlove tayo, we tend to make crazy decisions. Tulad sayo. Kung ako sayo, pag-usapan niyo uli 'yan. Wag ka magsungit baka i-uncrush ka. Kaso may ka-M.U. pala? Nako. Naunahan ka na."

Tama nga si Hans, di ko naman gagawin 'yung mga ganon kung wala lang si Jah sa akin.

"Kaya ko sabihin 'yon, Hans. Kaso may ka-M.U., at empleyado ko rin." sagot ko.

Hans left a deep sigh, sabay tap sa balikat ko. He told me na kaya ko sabihin kay Jah yung nararamdaman ko, kahit hindi na niya ako gustuhin pabalik. Kaso, hindi ko alam paano ko i-pu-put into words 'yung mga yun.

Mukhang hindi ko yata kakayanin kung irereject ako ni Jah dahil M.U. na sila ni Shar.

Ano nga ba talaga ang gagawin ko?

Aamin o hindi?

"M.U. pa lang naman, maharot na ugnayan, wala pang sila. Who knows, baka hindi naman mag-work 'yung ganong set-up nila." sabi ni Hans.

"Ang advance mo naman mag-isip, Hans." angal ko sa sinabi niya.

"Oh, by the way. Baka gusto mo mag-outing kayo ng mga empleyado mo sa bagong Resort and Farm namin sa Olongapo. Tagal ka na rin hindi nakikita ni Mama." sabi niya sabay labas ng mga tickets.

Si Hans kasi, ang business ng family nila is mga resort and hotel. A year ago, nagbukas sila ng resort sa Tagaytay, then ngayon bagong resort naman naipatayo nila sa Olongapo.

Nakaisip naman ako, pwede ko naman ayain mga empleyado ko for a day off, siguro 'yun na rin 'yung time na sasabihin ko kay Jah ang nararamdaman ko.

"By the end of this month? Kasi si Jah at si Shar na ka-M.U. niya sa tingin ko, semestral break nila sa end of October." sabi ko.

"Eh di mabuti! Pa-reserved ko sa iyo yung resort and farm ng 3 days. All expenses are free. Bigay mo nalang sa kanila 'tong tickets. 8 'to. Kapag kulang, sabihan mo ako. Bale 26, 27 at 28 ko ire-reserve 'yung resort sa iyo. May kasal kasi ng 29 tapos sa 30 naman, nakareserved na rin." inabot na sa akin ni Hans yung mga tickets.

"Gusto mo ba ipaghanda ko 'yung si Jah at Shar ng dinner malapit sa dalampasigan?" asar sa akin ni Hans.

"Kanino ka ba boto? Sa akin, or dun kay Shar?" Tanong ko.

After nun, nag-usap usap na lang kami about sa random na bagay, at saktong 1 AM na siya umalis sa condo ko.

Dapat na ba ako umamin or hindi?

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Where stories live. Discover now