CHAPTER 73: BLACK HOODIE

1.1K 40 35
                                    

Celestine's p.o.v

Three Months Later...

tumigil na ko sa pag aaral at lumalaki na din yung tummy ko at meron na syang baby bump..
hindi na ko nag paalam kila quen at kiko , hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko sakanila kapag nagtanong silang dalawa sakin..
ayoko naman ding magsinungaling..
si lorrie lang ang may alam nang lahat pero alam kong mananatili syang tahimik..

si micco naman nag t-training na..
7:00 a.m - 7:00 p.m yung pasok nya..
okay naman kami , okay lang ako kahit wala akong kasama dito sa bahay..
lagi nyang sinasabi sakin na i lock ko yung pintuan kapag aalis sya , which is lagi ko namang tinatandaan..

kapag aalis sya lagi syang hihingi nang goodbye kiss , pero sa cheecks ko lang naman sya kinikiss..
tapos pagkatapos non yuyuko sya para i kiss yung tyan ko..
ewan ko ba dito , nasobrahan sa kasweetan ..

kaaalis lang nya kanina at ako naman ay naisipan kong mag bake nang muffins..
kumpleto yung lahat nang kailangan ko sa paggawa nito..

minsan nag g-grocery kami ni micco pero syempre naka disguise kami..
incase lang na may makita kaming kakilala namin o kaya naman schoolmate..

habang busy ako sa paghahalo nang recipe ko ay biglang may nagtext sa phone ko..
kinuha ko yon at saka ko nakita na nag message si micco..

napangiti naman ako at saka ko yon binuksan..

From: Mr.Cruz

Hi Mrs.Cruz.. I love you. <3
don't forget to lock the door!

sabi pa nya sa text..
everyday din nya sakin tinitext yan mula nung nag training sya..
hindi ko maiwasang mapangiti habang nag t-type sa phone ko..

To: Mr.Cruz

I love you more..
Uwi ka agad : )

sagot ko naman at saka ko ibinalik yung phone ko sa may gilid at pinagpatuloy yung ginagawa ko..
kumuha ako nang bowl para gawin yung isang mixture pa nang tumunog nanaman yung phone ko at saka napangiti kong kinuha yon..

akala ko si micco..
pero nagkamali ako..

From: 0906*******

kamusta ?
ano nag eenjoy ka ba na kasama mo si micco sa iisang bahay?
well , haha namnamin mo na ang mga huling sandali ...
malapit na ko.

see you soon celestine..

sabi don sa text..
napahawak nalang ako sa dibdib ko..
mula nung araw na pumunta kami sa bahay nang daddy ni micco..

every week nang nagtetext sakin tong number na to..
nung una hindi ko sya pinapansin..
pero habang tumatagal nagiging mas creepy yung mga pinag tetext nya sakin..

hindi ko naman masabi kay micco to kasi ayoko naman na mag alala sya at mahati yung oras nya sa trabaho at sakin..

dahan dahan ko namang ibinaba yung phone ko at saka ako nag isip nang mga posibleng nag tetext sakin nang ganyan..

well dalawa lang naman ang pwedeng paghinalaan..
si mika or yung mom ni micco.

pero bakit ganon?
bakit parang may nararamdaman akong masamang mangyayari..
bakit parang may masamang mangyayari sakin..

natulala nalang ako at saka lang nabalik sa wisyo nang tumunog yung timer nang oven..

kinagabihan..

My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One ) Where stories live. Discover now