Chapter Five

1.1K 49 9
                                    

"Ha? E hindi naman ako 'yung bride." Sabi ko at papasok na sana pero pinigilan niya ako uli.

"Uhm... Ano... Kasi... Just wear this and hold this." Isinuot niya ang belo sa akin at ipinahawak ang bulaklak.

Magrereklamo na sana ako pero biglang bumukas ang pinto at itinulak ako papasok ng wedding organizer.

Tumutugtog ang kanta na hindi ko alam ang title at ang mga tao ay mukhang naguguluhan.

Omg, ako rin.

Naglakad na lang ako at nalingon ko si Red na may nagtatanong na tingin. Nagkibit-balikat lang ako at itinuon ang tingin ko kay Lincoln na ngayon ay nakangiti at may namamanghang tingin.

Nang makarating ako sa tabi niya ay hinawakan niya ang kamay ko at binulungan.

"Just go with the flow, Purple. I know your problem with your company, I can help... or ruin you..."

Pusang gala...

Syempre, magsisimula ang kasal sa isang tanong.

"Meron bang tumututol sa kasalan na ito?"

May dalawang babae at dalawang lalaki ang nagtaas ng kamay. Napairap si Lincoln lalo na nang tumayo ang isa sa lalaki.

"My sister is so in love with you and now you're marrying someone else on your supposed to be wedding with her? How about the deal?" Maangas na sabi nito.

"I don't care about the deal or you or anyone else. I have lots of money. Hindi ko alam kung bakit ba nakipagkasundo pa ako in the first place. Now shut up before I cut your head off." Lincoln said coldly.

Natahimik naman siya at naupo na. Ang ibang kasama niya ay lumabas na. Galit sila at umiiyak.

"Continue now." Utos nito.

Nagpatuloy sa pagsabi ng kung ano-ano ang nasa unahan namin. Hindi ko siya naiintindihan lalo na at pinipisil ni Lincoln ang kamay kong hawak niya kapag nakasimangot ako.

Kung hindi dahil sa business ko ay hindi ako papayag dito. Ang business ko kasing boutique ay medyo may problema.  Kung tutulungan ako ni Lincoln ay maibabalik ko iyon sa dati, or much better, higit pa doon.

Pero kung aayawan ko siya ay malilintikan talaga ako. I searched for his information earlier at sa sobrang busy ko sa party ay hindi na ako aware sa kung anong ipinapalabas or pinopost na articles. Isa siyang sikat na business man. As in sikat, international and local.

Mahal ko ang boutique ko. Dahil doon kasi at sa trabaho ni Red ay nakakapagbakasyon ang parents namin sa kung saan saan. Masaya sila doon at paano na lang kung mawala iyon?

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nagtatanong na pala ito.

"Do you, Lincoln Nicolosi, take Purple Saria Dela Vega to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, 'till death do you part?"

"I do."

"Do you, Purple Saria Dela Vega, take Lincoln Nicolosi to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, 'till death do you part?"

"I... I..." Damn.

Pinisil ni Lincoln ang kamay kong hawak niya. Matiim ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

But when he smiled at me, my heart starts to beat so fast I can't breathe properly.

I sighed. "I... do."

And when he said, it's time for him to kiss me. My heart went crazy.

Her Impromptu WeddingWhere stories live. Discover now