CHAPTER 4

7 1 0
                                    

CHAPTER 4

JILL'S POV


Dito ako matutulog kela Shella, pero uuwi din ako ng 6am para mag prepare sa pag pasok sa school kailangan kong pumasok para may ibibigay akong notes kay Shella . Nasa kwarto na nya kame ngayon. Pag dating ko kanina pinag dinner muna kami ni tita Angie . Pagtapos namin kumain deretso na agad kami dito.

"Oy prend ano ba yung ichichika mo? Na ku-curious ako kanina pa , ikwento mo na."

"Di ka pa ba nag oonline? May bagong gc tayo kaso lima lang naman tayong member . For sure ginawa lang yung gc na yun para malaman kung okay kana . Tsaka alam mo ba? Nag pm sakin si Lester balitaan ko daw sya tungkol sayo! Ayieeeee feeling ko talaga may gusto sayo yun eh HAHAHAH."

"Etangaaa! Yun lang? Wala namang kwenta. Tsaka naalala mo ba yung kwento ko sayo dati tungkol dun sa batang lalaki na nakasama ko nung kinidnap kami? Asan na kaya sya noh? Crush ko yun eh hihihi. Gwapo naman si Lester ang cold nga lang ng personality nya. Tsaka diko pa naman sya kilala masyado kaya masasabi kong wala akong gusto sa kanya. Lalo naman sya for sure wala din syang gusto sakin . Kaya wag mo nang ipilit yan nasa isip mo kung gusto mo sayo na sya HAHAHAH"


"Gaga! Alam mo namang study first ako no boyfriend muna hanggang sa mag 25 ako, tsaka ghorl 9years na nung huling kita mo dun sa batang lalaki ano nga pangalan nun? Winter Scott? Di mo nga alam kung san sya hahanapin eh kaya kalimutan mo na yun kay lester ka nalang" pamimilit ko sa kanya. Sayang diko nakita yung batang sinasabi nya . Ano kaya itsura nun?

"Nako tigilan na nga natin yung pinag uusapan natin puro boys . Teka papasok kaba bukas? Matulog na tayo anong oras na din eh tsaka inaantok nako." Ginawa muna namin ang night routine namin bago kami matulog .




Kinabukasan...






Nagising ako ng maaga at umuwi sa bahay para makapag handa sa pag pasok. Nasa harap na ako ng school ng may lumapit sakin na lalaki. HOLLLYY COOOW! ang gwapo nya! Wait nakakakita naba ako ng anghel ? Napaka perfect ng muka nya. Nakanganga ako sa kanya hanggang sa makalapit sya sakin.


"Ahhmm , miss may kilala kabang nag aaral jan sa school nyo na Shella Mae?" Ano daw? Si bestfriend? Bakit sya pwede namang ako charoott! Ang swerte naman ng babaeng yun may nag hahanap sa kanyang gwapong lalaki.

"Meron. Pero ano bang surname? Di naman kase nag iisa ang Shella Mae ang pangalan . Baka hindi yung kilala ko ang hinahanap mo. "

"Ahhh , hindi ko kase alam ang apilyedo nya . Paki tanong nalang sa kakilala mo kung may kilala syang Scott"

Scott? Bat parang pamilyar sakin yun? San ko ba narinig yun? "Sige tatanong ko nalang . Di kase sya naka pasok may sakit kase , balik kana lang siguro dito pag okay na sya"

"Sige salamat" ngumiti sya dzaaayyy ang gwapooo pero kung si Shella nga ang hinahanap nya bakit kaya?

"Sige kaylangan ko ng pumasok baka malate kase ako." Kumaway muna ako sa kanya bago tumakbo.

Nakasalubong ko sila Raven at Lester tinatanong kung kamusta na si Shella. Sinabi ko naman na medyo okay na sya pero di sya makakapasok. Iba talaga feeling ko dito kay Lester na sesense ko na may gusto talaga sya kay Shella. Pano ko nasabi? Diko rin alam eh hihihi.



____________________________
____________________________




"Jill akala ko ba babalik si scott? Eh ilang linggo na simula ng makapasok ako pero wala parin sya. Sabi ko naman kase sayo sya yun!.. sya yung batang lalaki na nakasama ko yung kinukwento ko sayo.."

How To Fix Herजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें