PROLOGUE

31 1 0
                                    

Nagising ako na wala na saakin ang lahat. Ang unang nagyare ay ang masaksihan kong niloloko ako ng boyfriend ko, sumunod naman ang pinaka masakit sa lahat , ang mawala ang mga taong pinaka importante sakin dahil sa isang aksidente . Sana ako nalang ang nawala . Bakit kailangan sila pa . Paano ako babangon kung ang mga taong pinang kukunan ko ng lakas ay wala na . Pano ko haharapin ang bawat bukas ng mag isa .

"Besh ang lalim nanaman ng iniisip mo"  naputol ang iniisip ko dahil sa matalik kong kaibigan . " nag aalala na talaga ako sayo . Besh andito lang naman ako eh . Alam mo naman na pwede mo akong lapitan sa lahat ng oras diba? Kinakabahan ako sayo eh baka kung anoano na pumapasok na katarantaduha sa utak mong bruha ka" asik ni JILL

"Tanga nababaliw ka nanaman . Wala akong iniisip na kung ano ano . Tsaka pwede ba pakalmahin mo yang bunganga mo ang ingay mo nanaman eh "

" Girl pano ko pakakalmahin ang bunganga ko kung kanina pa ako nag sasalita at di ka naman nakikinig?"

Tsss alam ko naman kung ano yung sasabihin nya paulit ulit nakaka irita . Pasalamat talaga sya mahal ko sya kung hindi bibitin ko sya patiwarik .

"Kahit naman kase di ako makinig sayo alam ko na ang sasabihin mo!! Ilang ulit ko bang sasabihin na wala akong panahon sa mga gagong lalaki na yan!! Bat ba kase ako lagi ang nirereto mo? Di mo ireto yang sarili mo ilang taon kanang walang jowa. Ilang taon kanaring tuyo't babae ka!"

"Hoooooyyy!! Ikaw babae ka ikaw na nga nirereto pag sasabihan mo pa ako ng ganyan? Foul na yun ghorl ! Namemersonal kana pasalamat ka talaga maganda ka at kaibigan kita kundi tinapyas ko na yang bunganga mong maputla!! Pwede ba itigil mo na yang paninigarilyo mo ang baho baho kaya tingna mo yang labi mo ang itim itim para kanang... ahh basta itigil mo yan!!"

Tignan mo to usapang boyfriend at dilig napunta sa bisyo ko? Ang galing talaga mag iba ng usapan pag nadedehado HAHAHAHA

"HOOOOOYYY KA DIN! bat ba pinapakialaman mo pati bisyo ko? Nasa labas naman tayo ng shop Tsaka iniiba mo nanaman ang usapan napaka galing mo talaga!! Palihasa kase NBSB HAHAHAHA!"

" ABAAAAAA!! personalan na talaga? Ikaw SHELLA MAE SOLIS palibhasa madami kanang naging boyfriend pero niloko ka naman nila lahat HAHAHAHAHA"

Tamo to!! Pero totoo naman . Marami nga sila . Mag kakaibang tao pero pare parehas akong ginago . Diko nga alam kung bakit di na ako nasanay pareparehas naman sila ng ginagawa pero parang bago ang pakiramdam pag nalalaman kong niloloko ako.

"Ayaaannn sapul ka? Tara na nga umuwi na tayo kanina pa tayo dito sa coffee shop mo pag tulala lang mana ang ginawa mo . Ay oo nga pala tumawag sakin sila Raven . May outing daw tayo next week. Uunahan na kita!! Dika pwedeng hindi sumama kase ilang taon na natin silang di nakasama at ngayon nalang tayo ulit mag kikitakita kaya sumama ka!" Ano pa nga bang magagawa ko eh ikaw na halos nag dedesisyon pag may lakad haaayyyss " Aaaaaattt! May mga boys daw HAHAHAHAH pagkakataon mo ng humanap ng lalaking loloko ulit sayo ghorl HAHAHAHAH "

"Ako jill pag nainis ako sayo sasapakin na talaga kita! Ilang beses ko bang sasabihin sayo ng wala nga akong oras sa mga putanginang lalaki na yaaann!"

"Ohhh! Chill hype ka galit na galit ka nanaman eh para ka ng sasabog ghorl kalmaaaa!! Joke lang yun gaga ka . Wag ka na nga mag salita panigurado puro mura nanaman sasabihin mo tara na!"

Bago kami umalis ay binilinan ko nalang ang mga tauhan ko na sila na ang mag sara ng shop tutal ganun naman ang ginagawa nila lagi pag umaalis ako ng maaga sa coffeshop ko .


------------------



Simula nung nakauwi kami galing coffee shop di na ako umimik pa . Sanag naman na si jill sakin kaya okay lang sa kanya na parang wala syang kasama dito. Pumasok ako sa banyo para maligo . Hinanda ko na kanina pa ang panligo ko . Pero nung paglubog ko palang sa bathtub nag simula nanamang mag unahan sa pag tulo ang mga luha ko . Namimiss ko na sila . Naisip ko ang masasayang alala naming magkakasama. Simula pag gising ko sa umaga hanggang sa pag baba ko sa sala sila na agad ang bubungad sakin na may mga masasayang muka . Perpekto ang buhay ko nung kasama ko sila . Wala na akong hiniling simula nung makasama ko sila. Walanv problema lahat puro saya . Inaasikaso nila ako lagi bago ako pumasok sa school . Di nila hinahayaan na may manakit sakin . Pag umuuwi akong umiiyak dahil sa mga gagong lalaki mag damag nila akong sasamahan hanggang sa gumaan ang loob ko . Kaya nung nawala silang lahat. Nawala narin sa isip ko na mag hanap pa ng boyfriend.  Ayokong umuwi ng umiiyak ulit dahil sa lalaki dahil paniguradong wala ng sasama sakin mag damag . Wala ng mag bibigay sakin ng payo tungkol sa mga lalaki . Halos dalawang oras akong nag babad bago maisipang linisin ang sarili . Lumabas ako ng cr na magang maga ang mata . Nakita ako ni jill pero tinignan nya lanv ako . Sinabihan ko na kase sya na hayaan nalang ako . Halos araw araw nalang kase ganun ang nang yayari pag pumapasok ako sa cr . Nasanay narin siguro sya . Nag bihis nako agad ng pantulog ko. Naka pajama akong itim at white na sando . Wala akong night routine na ginagawa . Wala rin namang dahilan kaya humiga nalang agad ako sa kama ko . Di ako nakakatulog ng maaga kaya kinuha ko ang cellphone ko at nanood nalang ng movies.

How To Fix HerWhere stories live. Discover now