Chapter 2 - First Encounter

367 10 2
                                    

A/N: Si Eugene yung nasa picture :)

--------------------------------

Eugene's POV

KB's Royal Club? Hmm. not bad. Nagyaya kasi ang mga co-players ko sa basketball na lumabas since nanalo kami sa last game namin.

Hindi pa nagtagal dumating na ang inaasahan nila...

" Hi Boys "

KALOKOHAN.

Tumayo na ako para magpahangin muna sa labas pero bago pa ako tuluyang makalayo...

" Eugene saan ka nanaman pupunta? " - JP

Si JP co-player ko.

" Going to catch some fresh air "

Pero tinitigan lang niya ako na parang nagdadalawang isip siya kung maniniwala siya o hindi.

" Don't worry hindi ako tatakas. I'll be back in a few minutes "

Bago pa siya tuluyang makapagsalita umalis na ako. Pero habang naglalakad ako palayo sa kanila...

" Ha-ha-ha-ha "

Napunta yung atensyon ko dun sa babaeng tumatawang mag-isa. Mukhang may amats narin siya, maya-maya pa ay dinukdok niya na yung ulo niya sa lamesa, pero maya-maya iniangat din niya ito at naglakad siya papunta sa dance floor. 

Tsssk. lasing na ito. yan na lamang ang naisip ko nung nakita ko kung papaano siya maglakad.

~ For a second you were here

Why you over there?

It's hard not to stare, the way

you moving your body

like you never had a love...

Nung nakarating na siya sa dance floor nagsimula na siyang makisabay sa tugtugin. Napansin ko kaagad na may mga lumapit sakanyang lalake nung magsimula na siyang gumiling. 

Sa suot ba naman niya na Red dress tapos above above the knee pa, talagang matutukso ang mga lalake na lumapit at makipagsayaw sakanya.

Mga babae talaga ngaun. Pssh. Aalis na sana ako ng biglang may nakakaalarma akong nakita, dahil nga sa wala na siya sa sarili niya, hindi na niya naramdaman na sumasideline na ang mga lalakeng nakikipagsayaw sakanya.

Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sakanya...

" Nandito ka lang pala Babes kanina pa kita hinahanap. We need to go "

Yung mga lalakeng kaninang kasayaw niya ay nagbigay ng distansya dahil ipinalipit ko na ang isang kamay ko sa bewang niya...

" Ha-ha *Huk* Babes? Anong *Huk* ginagawa mo dito? " sabi niya. 

May tama na nga talaga itong babeng ito...

Pero hindi na ako nakapagsalita at hinatak ko nalang siya palabas sa club na iyon.

" *Huk* Babes akala ko tuluyan mo na akong *Huk* iiwan "

Hindi ko alam ang pinagdadaanan niya pero sa tingin ko dahil may tama na siya, napagkamalan niya ako ng siguro kakilala niya.

" Ah you're drunk. I'll drive you home "

Inalalayan ko siya papunta sa sasakyan ko. Habang naglalakad kami kung ano-ano ang mga sinasabi niya pero hindi ko narin masyadong maintindihan kasi basag na ang boses niya.

Maya maya naramadaman kong bumigat lalo ang inaalalayan ko at sumandal ang ulo niya sa balikat ko, pag silip ko..

" zzzzzzzzzz.. mmmmm.. "

Huminga ako ng malalim bago ko siya buhatin. Binuhat ko siya na para bang bagong kasal since hindi ko naman siya pwedeng i-piggy back kasi nga naka dress siya.

Habang naglalakad ako. Hindi ko maiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha. Parang kapag titignan mo napaka Fragile niya, yung tipong kapag naihulog mo mababasag na. parang ang sarap nita tuloy alagaan.

Napailing-iling ako ng makarating sa mapula-pula niyang labi ang mga mata ko, parang may magnet na gustong humila sa akin. 

Umiling-iling ulit ako. Hindi. Hind Tama ito.Hindi porket lasing siya eh, magta-take advantage na ako. Ano ba yung naiisip ko. tssskk.

*Tut tut*

Isinakay ko siya sa Front seat ng sasakyan ko. Hindi ko siya ini-upo sa likod dahil ayoko namang magmukhang driver.

Nag-text narin ako sa mga kasama ko na may emergency kaya kailangan kong umalis.

" Babes *Huk* promise me, you'll never *Huk* l-le-leave me again "

Bigla bigla nalang siyang nagsalita. Kung ano naman ang pinagdaraanan niya, parang gusto ko na tuloy malaman. Para kasing sobrang nasasaktan siya.

Napatingin naman ako sa paanan  niya, Pataas kasi ng pataas ang dress niya.

*Brrrrooomm Brommm*

Pinaandar ko na ang makina, bigla bigla nalang kasing umiinit.

Teka, hindi ko nga pala alam ang adress nito. Kung sswertehen ka nga naman .

Tumingin ulit ako sa inosente niyang mukha at hinawi ang mga buhok na humaharang sa mukha niya..

" Now, what should I do to you?.. "

 ------------

A/U: Hahaha. Hiyie! :)) Mehehe. First time kong magattempt magsulat sa wattpad kaya. Yaaayy pagbigyan niyo na Keke :D

Ano itutuloy ko pa po ba? :))

Vote & Comment 

Thank You :))

One More TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon