Chaper 8 - What to do?

154 7 9
                                    

Kierfa’s POV

Pagkatapos naming magbreakfast nung matandang babae nagpaalam narin ako sakanya na mauuna na ako dahil may gagawin pa ako. Siya nadin yung nagsabi sakin kung ano talaga ang nangyari kagabi, ikwinento daw sakanya nung Eugene yung nangyari at pinapasabi nalang sakin. Buti nalang nga talaga hindi siya sumabay kumain dahil kung nagkataon hindi ko talaga alam ang sasabihin ko…

Paglabas ko ng pinto, nagulat ako dahil nandun pala siya, nakaupo at may binabasa, mukhang gulat din siya nung makita ako.

Teka magso-sorry ba ako? Magte-thank you? Waaaahh~ isip… isip…

“ I’ll drive you home “

“ Ha? Ah eh hindi na, kaya ko na yung sarili ko “

“ Stubborn. Pag may nangyari sayo konsensya ko pa. Get in already “

“ Dito nalang ako sa tabi “ Sabi ko ng mahina.

Oo, sa banding huli tinanggap ko narin yung alok niya, mukha naming hindi siya magpapatalo e *3*

“ Hindi naman pala kalayuan… “ bulong niya.

“ Ah thank you ha? “ Ang awkward.

“ Here’s my calling card, call me if you need anything “ Sabay abot ng calling card niya sakin.

*shakes of head* “ hindi na, ok na ako masyado ng malaking abala yung nangyari ngayon sayo “

“ C’mon stop being stubborn “  pilit parin niyang inaabot yung calling card niya saakin…

“ Tss “

“ Sabi na kasingb hindi ko na kailangan ‘to e “ Inilagay niya yung calling card niya sa may bag ko, may magagawa pa ba ako? -__-

“ You’re welcome “ Sabi niya.

“ Hindi ko naman kasi kailangan to e. Pero salamat ulit. Sige mauna na ako ha? “

“ Eugene “ sabay abot ng kamay niya sa may bintana pagkalabas ko sa pintuan ng kotse niya.

Haha. Oo nga noh? Kanina pa kami magkasama pero hindi pa niya ako kilala.

Inabot ko din ang kamay ko sakanya “ Kierfa… Kierfa Faith “

Ngumiti lang siya at pagkatapos umalis na.

Nagulat ako sa dinatnan ko sa apartment nung pagkapasok ko…

Si mama umiiyak…

“ Anak “

Basag yung boses ni mama at halata narin sa mukha niya na kanina pa siya umiiyak.

“ Ma, bakit? “ Agad akong umupo sa tabi niya.

“ Ah-ang ka-kapa-kaptid mo “ hindi na makapagsalita ng maayos si mama.

“ Ma! Ano? Anong nangyari? “ Hinawakan ko sa dalawang balikat si mama at pinilit kong tignan siya sa kanyang mga mata

“ Hindi…. Hindi na daw siya magta….. magta….. “

Biglang tumulo yung mga luha sa mata ko, alam ko na ang gusting ipahatid ni Mama saakin.

May cancer sa dugo ang kapatid ko sabi ng doctor malubha na daw dahil huli na bago naming malaman.

“ Ano ba naman klaseng doctor yan ha ma? Dyos ba siya para malaman niya na…. na ….. Ahhhh! “  Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hindi… hindi ko hahayaang malawa ang nag-iisa kong kapatid.

Bakit kase hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako? Mabait naman ang kapatid ko, pero bakit kailangan siyang parusahan ng ganito? At isa pa ang bata-bata pa niya.

“ Su-subukan pa daw ng doctor a-anak na painumin siya ng mga gamot pe-pero anak, saan tayo kukuha ng pera? “

Hingang malalim Kierfa, malalagpasan mo yan.

“ Ma, puntahan niyo na po muna si Gab-gab ok? Bantayan niyo po siya at wag na wag kayong aalis sa tabi niya, ako na po ang bahala sa pera hintayin niyo nalang po ako “

Hindi ko din alam kung anong gagawin ko pero lahat gagawin ko para lang sa kapatid ko.

“ Pero anak…. “

“ Ma, ako na sabi ang bahala. Hintayin niyo nalang po ako sa bahay ha? Mauuna na po ako “

Sa pagkataranta ko nakalimutan ko tuloy tanungin si Mama kung nakakain nab a siya.

“ Kumain na po ba kayo ma? Kung hindi pa po, kumain po muna kayo may konting pagkain pa po akong natitira pa dyan “

“ Ako ng bahala anak, Sige na “

Tuluyan na akong umalis pero-pero saan? Saan nga ba ako pupunta?

Patuloy paring tumutulo ang luha ko, kanino ako makakahingi ng tulong?

“ tulong…. “ may naalala tuloy ako bigla…

“call me if you need anything “

Kinuha ko sa bag ko ang calling card at tinignan ito

Eugene Domingo – 0907*******

> To be continued...

------

AN: Naaasar ako sa mga authors na hindi na tinuloy-tuloy yung mga books nila pero ganun din naman yung ginagawa ko *Subsub ng mukha sa unan* Waaaahh~ Sorry sorry talaga :( Ang konti lang po kasi ng reads pero kahit po konti lang promise ko po na tatapusin ko pa ito para dun sa mga taong kahit lame itong story ne ito (HAHAHAHA) binabasa padin. Lots of love :* :)

Fb Acc: http://www.facebook.com/kiezelivy.tacbian.9?ref=tn_tnmn

Twitter: https://twitter.com/IBEEautiful

One More TryWhere stories live. Discover now