Bisyo ko ang tignan ka

59 2 1
                                    




Mads POV

Kailan nga ba nagumpisa? Na siya lang ang nakikita ng mga mata ko?


It's the morning routine na sabay kami pumasok ni Dawn. Teacher siya sa school na pinapasukan ko.

"Bababa na ako dito! Hindi tayo sabay papasok. Tandaan mo, hindi tayo magkakilala dito." Paalala niya saken.

"Yes, ma'am." Pag sang ayon ko naman with salute pa tsaka siya ibinaba sa kanto bago ang school.

"Thanks Mads!" sabay haplos niya sa ulo ko saglit at nagmadaling lumabas ng kotse.

T*ngina! ito ang gusto ko sa umaga!

Sinundan ko siya ng tingin na tumatawid sa daan.

"Wag ka tumakbo." Pagaalala ko ng makitang nagmamadali siya. Ng makita kong nakatawid na siya, tsaka ko pinaandar ulit ang kotse para sumunod ng pumasok mula entrance sa backgate ng School.

Lumaki ako na alaga ni Dawn.Her real name is Aurora Timbang. Dawn ang nickname niya. Math teacher siya ng high school department at advisory section ng St. John. We first met ng 6 years old ako and 13 years old siya. I guess it was love at first sight! Mahilig siyang magdrawing at parati niya akong tinuturuan nun at nakikipaglaro saken. As a child, every meeting is an anticipation ng kalaro. Masaya ako everytime dumadalaw sila ng mama niya sa bahay. Magkasosyo ang mother namin dahil event organizer si mama at may-ari ng restaurant ang mama ni Dawn. Dahil mahilig siya magluto, naengganyo rin ako kaya isa yun sa mga naging bonding time namin. Ng dumating ako sa puberty, I realized na siya lang ang para saken. May pagkasuplada siya actually, ganun pa man, gusto niya akong inaalagaan. Sinusupladahan niya ang lahat lalo na ang mga lalaki pero iba saken. That's what makes me special. So I don't need to hold myself back right? Age doesn't matter. Everything is fair in the game of love after all. >:D

Today is Valentine's day. Ultimate chance na mas mapansin niya ako! :DD


As a College student, masasabi kong napakalaking advantage na maraming break in between ang schedule namin. May chance ako na panoorin siya habang nagwowork siya haha

Inaamin ko, may pagka stalker type ako. Alam ko ang schedule niya. Kung anong section at saang room siya nagtuturo. Kung nasan siya pag break niya. Memorize ko nga rin pati pangalan ng advisory class niya. Talk about commitment. Pag hindi pa naman ba siya nainlove saken!

"Ma'am C.R. po." Paalam ni Lance. Isa sa mga estudyante niya.

"Ten minutes nalang, hindi ba yan makakapag-antay Lance o dumidiskarte ka na naman?" paninita ni Dawn sa estudyante niya. Nagtawanan ang klase niya. Natawa rin tuloy ako.

Nang magring ang bell, lumabas na siya ng classroom. Nasalubong ko ang tingin niya. Taas naman ako kaagad ng kamay para mag-hi. Napahinto siya ng alanganin bago niya ako inisnob at naglakad paalis dala dala ang book niya at box ng chalk. Kinuha ko ang cp ko para itext siya.

Buwanan mo ba ngayon or dahil wala kang date ngayong valentines kaya mas suplada ka? Free naman ako >:D

Pagpaparamdam ko. Mabilis din ang reply niya.

Nice try but No thank you! At wag mo na akong pagtatangkaan na bigyan ng flowers ngayong Valentines! Yearly nalang nashoshowbiz ako sa school. Isa pa, tigilan mo ngang tumatambay sa room ko! Ano ka stalker??

Binasa ko ang text na yun gamit ang boses niya sa memorya ko. Naiimagine ko rin kung ano ang expression niya habang sinasabi yun.

Alam mo bang pinagkkwentuhan ka na ng mga estudyante mo pag nakatalikod ka? Single ka pa daw kasi kaya parang menopause na ang kasupladahan mo. Parati mo daw tini'timbang' ang grades nila haha

Hi! ClassmateWhere stories live. Discover now