HBAM 8

21K 595 96
                                    

HBAM 8

CLARKSON

''mga dre, may ikukumpisal ako sa inyo.. Sana, huwag kayong magagalit. Ano kase e..'' halos hindi mapakali si Ichirou sa pwesto niya, habang hinihintay naming bumalik si TingZhe.

Biglaan kasi itong umalis, at ang paalam niya kay Ichirou pupuntahan niya daw si Jane.

''tungkol nanaman saan yang ikukumpisal mo??'' tanong ko dito.

''Tungkol kay TingZhe. Hindi na kase kaya ng konsensya ko na makita ko siyang kasama niya si Jane, pero wala pa silang official break up ni Gabby.'' napakunot ang noo ko, at liningon ito.

''Anong ibig mong sabihin??''

''May secret girlfriend si TingZhe?'' nag katinginan sina Hyunsoo at Chenglai.

''Di ba nung nasa China pa tayo, Pana'y yung pag babakasyon ni TingZhe? Gabby is my childhood bestfriend. Ipinakilala ko siya kay TingZhe 3years ago.. Nung hindi kayo sumama dahil mas pinili niyong matulog at kumain nalang sa hotel nun.'' napaisip tuloy ako bigla..

Edi ibig sabihin nun?? May girlfriend na si TingZhe?

''Tapos??''

''Ayaw naman kasi talagang sumama ni Tingzhe sa akin nun.. Pinilit ko lang siya.. Ayun, ako nakipag sayawan nun dun sa mga models na nandun, tas' iniwanan ko silang dalawa.. Ang sabi sa akin ni TingZhe.. Hindi niya naman daw inakalang, maiinlove siya kay Gabby.'' napalook down si Ichirou.

''Dun na tayo sa main point mo Ichirou! Ini-is-spoil mo kami e!'' saad ng mainiping si Chenglai.

''Kagabi, nakausap ko si Gabby. Ang sabi niya.. Nakikipag break na daw si TingZhe. Hindi niya naman daw alam kung anong dahilan at humihingi siya ng break up.''

''Edi ibig sabihin nun.. Natamaan talaga si TingZhe dun sa Drillon??'' pumalakpak si Hyunsoo. ''Iba din pala si TingZhe, makakita lang ng bagong isda, huhulihin na at papakawalan yung nauna.''

''Sinabi mo ba dun sa Gabby na may nagustuhan dito si TingZhe?''

umiling lang ito, at huminga ng malalim.

''Ang hirap pala no? Lalo na, pag yung inaakala mong miss right si miss wrong pala. Yung alam mo sa sarili mo na siya na, pero hindi pa pala.. Kase mas nakikita mong mas perfect yung nalate yund dating.'' saad naman ni Chenglai.

''Pero hindi naman recycable yung mga babae. Ano sila tissue? Na pag katapos gamitin, itatapon na?? Pag nakita ko yang TingZhe'ng yan.. Kukutusin ko siya! Masyado siyang madugas! Ganda pa naman ni Drillon'' sabi naman ni Hyunsoo habang nag hahand-gesture pa.

''Ano ba kayo? Masisisi niyo ba si TingZhe? Nag mahal lang yung tao.. Natural lang naman siguro kung doon ka sa taong alam mong makaka kompleto sayo, hindi ko naman sinasabing hindi siya naging masaya kay Gabby pero, panigurado ako.. Mas masaya yung mokong na yun sa piling ni Jane''

HANGING BY A MOMENT [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon