Chapter 42: Blood of Life

534 22 3
                                    

Blood of Life.

~~~~

Fin POV

Napa lingon sa amin si Freddrick.

"Ready na?"tanong niya.

"Teka, nasaan yung iba? Bakit tayo tayo lang?"tanong ko.

Umirap siya kaya tumaas ang kilay ko.

"Bakla ka sis?"tanong ko kaya kumunot ang nuo niya.

"Mamaya na kayo mag talo."singit ni Aphrodite at tumingin sa labas.

"Mag gagabi na. Lalakas ang mga pwersa ng Werewolves pag full moon."sabi ni Aphrodite at lumingon sa amin, isa isa kaming lumabas sa sasakyan, sinuri ko ang lugar kung nasaan kami ng biglang lumapit sa akin si Freddrick.

"Lagot ka sakin mamaya pag nag transform ako bilang werewolf." Bulong ni Freddrick sakin. Nag make face lang ako saka natawa.

"Takot ako sis nanginginig ako oh."sabi ko at nanginig. Natawa si Creed sa ginawa ko. Sumeryoso ang awra ko at lumapit sa kanya.

"Lagot ka saken pag kinausap mo ulit ang asawa ko." Seryoso kong sabi at pinakita ang pangil ko.

"Kahit walang full moon, tandaan mo. Anytime pwedeng pwede kong ubusin yang dugo sa katawan mo.  Hindi lang dugo ng tao ang iniinom naming mga bampira Freddrick, mas masarap ang dugo ng HAYOP."pananakot ko. Naningkit ang mata niya at tinalikuran ako.

Pumantay si Creed sa tabi ko kaya lumingon ako sa kanya.

"G na G kay Freddrick." Natatawa niyang sabi.

"G na G makipag tawanan kay Clementine e."sabi ko at kinasa ang baril ko.

"Saang posisyon nga ulit tayo?"tanong ko habang naka tingin sa building na papasukin namin.

"West kasama si Freddrick." Natatawa niyang sabi kaya tumingin ako sa kanya.

"Destiny bro." Pang aasar niya kaya inirapan ko siya.

"Naka pasok na ang ilan sa tropa. Na patay na nila ang ilang tauhan na nag babantay sa entrance."sabi ni Aphrodite kaya napa tingin kami sa kanya.

"Wala ka bang nakikitang mamamatay samin?"tanong ko. Siniko ako ni Creed kaya tumaas lang ang kilay ko.

"Papasok na kami." Sabi ni Creed at nanguna sa pag lalakad, sumunod si Freddrick kaya mas binilisan ko ang pag lalakad ko para makasunod kay Creed. Nilingon ko si Freddrick na nasa likod ko saka nag make face. Nakita ko kung paano siya na aasar kaya natawa ako at binaling ang paningin ko sa daanan.

"Pag tapos natin pumasok sa west anong gagawin natin bukod sa patayin ang mga Black Alpha?"tanong ko at sinabit sa balikat ko ang baril na hawak ko. Pumantay sa pag lalakad namin si Freddrick kaya napa tingin ako sa kanya.

"Belong ka dito sis?"tanong ko. Hindi niya ako pinansin kaya natawa ako.

"Nasa west side gaganapin ang ritwal kaya asahan mong nandoon ang karamihan sa mga Black Alpha." Napa tigil ako sa pag lalakad kaya napa tingin sila sa akin.

"Ano kamo? Karamihan sa mga black alpha ang nasa west side kaya tayong tatlo ang pupunta don para mag pakamatay tayo ganon?"tanong ko. Sabay silang napa irap sa akin.

"Mga bobo uuwi pa ko sa mag ina ko kaya sa south side nalang ako." Sabi ko at tinalikuran sila. Pero pagka talikod ko may bumulaga na agad sa akin na baril, naka tutok pa mismo sa ulo ko. Napa pikit ako ng makita ang dalawang black alpha na may hawak non habang ang sampo sa kasama nila ay naka tutok ang baril kila Creed at Freddrick.

Blood Sucker (Van Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon