CHAPTER 2 - THE KIDS

112 35 6
                                    




"Hindi sila sabay sabay kumain kaya iisa- isahin mo silang papakainin ang pinakamaldita sa kanila eh yung panganay sunod yung bunso" chismis sakin ni Emma. 

Gulat talaga ko ng malaman kong may anak na si Sir Martinez kaya nga di agad ako nakaligo ng tawas ng sabihin yun ni Aling Esme. Pero hindi ko alam kung nasan na asawa ni Sir Martinez pero sa tingin ko ay hiwalay sila ganon naman mga mayayaman. Buti nalang di kame mayaman ng jowa ko.

"Eh yung pangalawa?" Nakita ko kase sa picture na tatlo silang magkakapatid.

"Hihi" sagot nya sakin na namumula pa. Child Abuse din pala to, naalala ko tuloy yung jowa ko, sana may honor ulit sya ako kase nagtutostos ng pagaaral nya.

Sugar mommy ka gorl??

Bigla nalang umalis si Emma, hindi ko alam kung bakit. Naiinggit siguro sakin dahil ako ang magpapakain sa pangalawang anak ni Sir Martinez.

"Who are you?" sabi ng batang boses sa likod ko, kaya humarap ako sakanya.

"I'm your new maid of course," alangan namang bagong asawa ng tatay nya.

"What ever" sabi nya at inirapan ako ibang klase, sa tingin ko ay 10 years old pa lang sya at walang kaalam alam sa mundo pag talaga niregla to wag na wag syang lalapit sakin.

"What's your pangalan?" tanong ko sa mataray na tono.

"Why do you care?"  nagtitimpi na talaga ko bata na to, tama si Emma daig pa nito anak ni Aling Marda tsaka nauutusan pa yun.

"Of course I'm your maid or maybe can call you alipin?" sabi ko at inirapan sya hindi ko kase natanong kay Emma kung ano mga pangalan nila.

Tumingin naman sya sa sa buong kusina at may hinahanap na kung ano "My Name is Nestea" Poor her tamad na tamad siguro si Sir Martinez magsearch o di kaya wala silang internet kaya ganyan ang pangalan nya pang aso.

Pag nagkaanak talaga kami ng Jowa ko ipapangalan ko iphone 11 para expensive o kaya love para pag tinawag sya ng crush nya sweet agad. Babe nalang??

"I said Gutom na ko?"  sabi nya sa malakas na boses.

"Nagtatagalog ka pala eh" nanlaki naman ang mata nya ng marealize nya.

"Don't tell to daddy" sabi nya at aaktong luluhod pa sa harap ko "Please" at nagkurap kurap pa.

"Sabihin mo muna Please Master" Umirap sya sakin na parang nagdadalawang isip. "Okay lang naman kung ayaw mo" sabi ko at umiling iling.

"You're blackmailing me" sabi nya at umirap ulit.

"No, I'm not" sabi ko at naglagay sa plato ng kakainin nya.

"I'll tell you to daddy" hamon nya.

"Okay go, I will tell you too" Sabi ko at nilapag ang plato sa harap nya.

Hindi sya nagsalita at hindi parin nya sinasabi ang magic word, sinasayang nya ang oras ko buti sana kung only child sya. Nasa kalagitnaan nako ng lakad ko ng narinig ko ang sigaw nya.

"Please Master" sigaw nya.

Pero syempre uutuin ko pa rin sya para mabawasan ang anim na sungay nya palagay ko nga pito na. Ewan di ko sure, di ko naman nabilang mamaya nalang siguro pag nakita ko sya ulit.

"Hi" kamukhang kamukha nya si Sir Martinez, Malamang anak nya yan.

"Hi, I'm Kairo" sabi nya ulit at hinawi hawi ang mata ko tsaka lang ako nakarecover.

"Hello be" sabi ko, ngumiwi naman sya pero ngumiti ulit.

"Ikaw ba yung bago naming kasama?" sabi nya ng nakangiti pa din. kung ganto lang sana si Sir Martinez baka nalaglag na yung panty ko hindi ko pa kase natatahi.

"Ah oo" humawak naman sya sa tyan nya na sa tingin ko ay gutom nya

so cute naman this boy pero mas cute jowa ko.

"Tara sa kusina" sabi ko nangunot naman ang noo nya pero sumunod din naman sakin.

Habang kumakain sya ay nakatingin lang ako sakanya minsan minsan tumitingin din sya sakin tapos ngumingiti.

"Anong grade kana?" tanong ko awkward naman kung titingin lang ako sakanya magdamag.

"Grade 12" syempre nakatingiti pa den sya.

"Talaga? Anong strand mo?" parehas sila ng anak ni Aling Marda yung may crush sakin eh sobrang bata naman kase okay na yung jowa ko mas matanda lang ako ng konti.

Konti lang.

"Stem" at sumubo ng kanin.

"Edi matalino ka sa math?" alam ko dun yung mga pre cal tas basic cal na di naman basic, scam angwala buti nga hindi naabutan nun jowa ko kung hindi ay child abuse na talaga ang abot ko!

"Mathulog" sabi nya at dahil sa cornyhan nyang taglay ay iniwanan ko na sya okay na sana sya kasi ngiti sya ng ngiti pero corny sya tapos pag tinanong ko sya bat sya nagstem isasagot nya kase maganda pakinggan?

Nakita ko naman si Mae Arie sa sala nakaupo mukhang nagiimagine nanaman na aasawahin sya ni Sir Martinez. Tinapik ko naman sya sa mukha "Sir" hinawak hawakan nya pa kamay ko kaya hinampas ko sya.

"Ano ba? ikaw nanaman?" sabi nya at tumayo na.

Nalala ko tuloy yung sinabi ni Emma na may ari sya kung ganon ay lalaki sya dati edi transgender sya???

"Anong ako bigla mong hinawakan yung kamay ko" sabi ko nalang ang kapal nya magimagine, di naman sya naglilinis ng bahay.

Pag ako talaga tumama ng lotto bibilin ko tong si Mae Arie kay Sir Martinez kawawa naman si Sir kung mapupunta lang sya kay Mae Arie kaya akin nalang si Mae Arie hindi si Sir Martinez.

"Who is she?" tanong ng panganay ni Sir Martinez pababa ng hagdan, Kung di ako nagkakamali Celeste pangalan nya nakita ko sa picture nung nagdebut sya.

"She you are new maid" sabi naman ni Mae Arie.

Gusto ko sya batukan dahil ginawa yang katulong yung anak ni Sir Martinez di nya alam kaya sya nitong bilin.

"So?" Tanong ni Celeste kay Mae Arie.

"Soy sauce?" sabat ko kaya napatingin sakin si Celeste.

"What?"

"I mean my dish with soy sauce" sabi ko at iniwanan sila ni Mae Arie.

My Boss Is A Snatcher Where stories live. Discover now