2

13 2 4
                                    

umuulan ngayon kaya naman naisipan kong mag sulat habang nagkakape. #/tamanginarte -¡- enjoy reading!

//

"KUYAAAAAAAAA!!" lintek naman sa lakas ng sigaw nitong si Saricha. Ultimo langgam sa lupa magugulantang.

Nasa kwarto ko kasi ako habang siya ay nasa baba kasama sina Loi at Tomato. Nadatnan ko sila na nanunuod ng TV. Nice one! pachill chill lang.

"Ayusin mo pag tawag mo, Saricha. You're too loud" pangangaral ko pa rito. Ayoko lang masanay sila na tropa tropa lang turingan namin dito sa bahay. Hindi ko gusto ang ganong pag trato.

"Yes, Kuya. I'm sorry po" ngayon naman ay nakatingin na siya sa akin. Tss.

"Why did you call me?" nakapamaywang ko pa din na tanong sa kaniya sabayan mo pa ng nakakunot kong mga noo. Jusko.

"Someone's calling outside po. Kanina pa po tumutunog ang doorbell" malumanay nyang tugon habang nakatuon na ang mga mata niya sa TV.

"At hindi mo pa kayang buksan? Tss" angal ko naman. Kailangan pa ako tawagan? Wala ba siyang kamay? Lodicakes ko 'to pero mukhang binabawi ko na.

Nag tungo naman ako sa aming front door pagkatapos noon. Ayoko ng pahabain pa ang usapan namin at baka pag awayan na naman namin iyon. Ang hirap kasi sa kapatid kong ito wala sa timing ang pagiging tamad at masipag. Seasonal kumbaga. Kung kelan niya lang matripan dun lang. Bilang nakakatandang kapatid, kailangan ko din silang intindihin. Dahil ayoko namang masakal sila sa akin at maging attitudera at attitudero ng taon ang mga ito.

Nag suot muna ako ng aking mga tsinelas bago pumunta sa gate. Nakatalikod pa ako kaya hindi ko masyado maaninaw kung sino ang nasa may tarangkahan namin. Sino naman kayang bibisita samin? Sa natatandaan ko wala naman kaming kakilala dito.

Pagka bukas na pagka bukas ko ng gate ay naging pamilyar na naman ang aking pakiramdam sa kaloob looban ko. Kaba. Saya. Pananabik. Sana naman hindi na ako mautal this time. Nakakahiya na baka mamaya isipin niya bakla ako.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Nangangapa kung sino sa amin ang unang mag sasalita. Hindi ba dapat ako? Tapos tatanungin ko siya kung bakit siya nasa harapan ng gate namin? Diba dapat ganon? Pero tinraydor ako ng sarili kong mga dila. Umurong ang mga ito. Tulad ko nag aabang din sila ng mga salitang lalabas sa bibig ni binibining marikit.

Lakas ko naman po pala sainyo, Lord. Biruin nyo ho pinabisita nyo pa ako sa kaniya. #/angelngbuhaymolods

"Hello!" sa huli ay binasag niya ang katahimikang namumutawi sa pagitan naming dalawa.

Umayos ka! Maging normal ka. Tao lang din iyang kausap mo ang kaibahan lang ang gusto mo siya.

"Hmm. Hi" tugon ko naman. Sungit sungitan muna tayo. Papakipot ng konti.

Aamin kong nalunod ako sa mga titigan naming kanina kung kaya namang hindi ko nabasa ang lungkot at sakit sa mga mata niya ngayon. Animo'y kahit anong oras ay maiiyak ito at magpapapadyak sa harapan ko. Ang mga mata niyang parang nagsusumbong. Konting konti nalang tatraydurin na siya ng mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata niya. Anong nangyari?

Nang mga sandaling iyon ay iniisip ko kung anong nararamdaman niya ngayon. Kung saan ang masakit at anong dahilan noon. Bakit? Binibining marikit, nasanay akong makita ang saya sa iyong mga mata kaya hindi ko kinaya ang emosyong ibinibigay ng mga ito ngayon.

"Pwede maki tuloy? Hindi ako mang gugulo pangako. Gusto ko lang huminga" pagpapaliwanag niya pa. Pinipilit niyang hindi mag crack ang boses niya. Malumanay pa din ang kaniyang boses ngunit may kasama na itong lungkot ngayon.

"Uh yeah sure" naitugon ko na lamang sa hindi malamang dahilan.

"Pasok ka. Wag ka mahihiya ha" paalala ko pa habang iginigiya siya papasok sa aming bahay.

Tulad ko ng makapasok kami sa loob. Nagulat din ang mga kapatid ko sa kung paano at bakit ko kasama ang binibining nakita namin sa chapel last week. Wednesday na ngayon at tulad ng inaasahan ay nawalan ng pasok dahil sa may bagyo pala.

Umusod sila Tomato at Loi sa mahabang sofa upang mag bigay espasyo kay binibining marikit. Alam ko na ang pangalan ngunit gusto kong pormal siyang magpa kilala sa akin. Sa amin.

Nahihiyang umiling siya rito at nanatili ang mga paa niya sa basahan na nakalagay sa front door. Bagamat, naiilang sa presensiya niya sina Loi ay pilit parin nilang itinuon ang atensyon sa pinapanood sa telebisyon.

Malakas ang ulan sa labas ng datnan ko siya doon. Huli ko ng napagtantong basa nga pala ito. Jesus! Kapag ganitong mga sitwasyon ay nawawala ako sa wisyo.

"Come with me Saricha" saad ko habang nakapalmusang nag lalakad  patungo sa banyo dito sa baba.

"Bakit?" tanong naman nito ng kami nalang dalawa dito sa may pintuan ng cr.

"Pahiramin mo muna siya ng damit. Yung leggings at oversized shirt mo na ang kuhanin mo" sabi ko pa rito bago ito umakyat sa hagdan. Hindi pa tapos ang iniuutos ko ay paakyat na agad ito.

Ilang sandali lang ang lumipas at dala na niya ang mga sinabi ko. Babae ang kapatid ko at hindi magandang pumasok ako sa silid niya kaya ko siya tinawag para doon. Nirerespeto ko pa din ang mga bagay-bagay o kung ano pa man sa loob ng kaniyang silid. Ang pumasok doon ng wala akong magandang rason ay hindi maaari sa akin.

Nauna mag lakad si Saricha sakin papunta sa living room habang ako ay nakasunod lamang. Dala dala ang mga damit na ipinakuha ko sa kaniya. Walang malisya para sa akin ang mga pinakuha kong damit. Ang rason ko ay malamig ang panahon, yun lang yon.

Iniabot ko ito sa kaniya habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. Agad siyang umiwas---- naiilang. Bahagya akong napangiti dahil doon ngunit hindi ko pinakita iyon. Huwag ka ng mailang sakin baby ko. Ako lang to yung kapeng kailangan mo sa umaga.

Syet na malagket! Ayos na ayos na mga banatan ko ngayon ah. Improving!

"Follow me" maski ako ay hindi nakikilala ang boses na lumalabas sa aking mga bibig.

May mga pagkakataon na ganito talaga ako mag salita. Ingles at pormal. Cool.

"Ito ang bathroom sa unang palapag. Ang tuwalya hanggang sa pag papabula ng ulo mo ay nandyan na lahat sa loob. Kung may kailangan ka, sumigaw kana lang" dire-diretso kong sabi sa kaniya. Hindi inaalis ang mga mata ko sa kabuuan ng mukha niya. Ilang na ilang ang baby ko.

"Pshh! Sungit" rinig ko pang sabi nito. Halos ibulong niya na lang iyon sa kawalan ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.

Ang guwapo ko namang masungit kung ganon.

"I am masungit talaga. May utang ka pa sakin" tugon ko sa pinaka maarte kong boses. Bading na sigurong talaga ako.

"Ha? Ano yon?" takang tanong niya.

Ang mga mata niya ay unti unti ng  humuhupa ang mga emosyong nakapaloob rito. Hindi tulad kanina na akala ko ay kahit anong oras ay magsisi unahang bumagsak ang mga luha niya.

"Ikwento mo sakin ang nangyari" huli kong sinabi bago ko siya iniwan doon.

Mahilig ako makinig sa mga kuwento ng iba. Masama man o maganda. Nakakatawa o nakakaiyak man. Kahit ano pa iyan basta kuwento ay handa akong makinig.

Marerealize mo pala minsan na kailangan mo lang ng taong makikinig sayo habang naguguluhan kana sa iba't ibang boses ng mga taong nakapaligid sayo.

...

IN PAIN ( TO BE EDITED hehe )Where stories live. Discover now