Prologue

49 3 7
                                    

Pagbati! This is my second time writing here in Watty using a new pen name. Mahal ko ang pag susulat. Mahal ko ang Sining. Mahal kita. Kung may mali ka mang mababasa dito, pasensya. Hindi ako kagalingan sa pag susulat. Kausapin mo ako kung may naging o magiging kamalian ako sa isang chapter. Makakalimutin kasi ako hehe. Huwag na huwag mong ikukumpara ang gawa ko sa gawa ng iba. Salamat! Enjoy reading.

Hindi totoo ang mga mababasa nyo dito. Mula sa pangalan hanggang sa katapusan ng storyang ito. Ang storyang ito ay nanggaling lamang sa imahinasyon ng author.

//

"Tomato, bumaba kana riyan at kakain na. Isama mo na din iyang si Loi" pasigaw kong tawag kay Tomato.

Umaga ng Sabado ngayon at kalilipat lamang namin sa bagong bahay na ito. Sakto lang ang laki nito kumpara sa dati naming bahay. May tatlong kwarto ito na hindi kalakihan ang mga espasyo. May second floor din ngunit hindi ganoon kataas. Nabili namin ito sa murang halaga dahil sa mabait ang may ari at nagmamadali din ang may ari na maipagbili ito.

Ngayon ay ako na ang tumatayong mga magulang ng tatlo kong mga kapatid. May pamana kaming nakuha ngunit alam kong kailangan naming tipidin iyon para sa aming mga sari-sariling kinabukasan. Namatay sa isang aksidente ang mga magulang namin at iyon ay share ko lang. Huwag nyo ng gambalain ang author sa comment section sa kakatanong at baka hindi niyan ituloy ang storya ko.

"Isa pang tawag ko, Tomato. Kapag hindi kayo diyan bumaba si Snarty ang kakain nito" nagtitimping saad ko pa.

Si Snarty naman ay ang aso namin. Lalaki ito. Malambing itong alaga at masunurin. Kung ang hanap mo ay pagmamahal at hindi mo ito maramdaman sa isang tao baka nasa aso.

Amoy na amoy ko ngayon ang niluluto kong bacon at eggs. Ito kasi ang isa paborito nilang agahan sabayan pa ng sinangag na kanin na may margarine.

"Kuya, i want hotdogs" nakangusong saad ni Loi ng makaupo ito habang hawak hawak nya ang teddy bear na si iron man.

"Baby, ang dami mo ng nakain na hotdog this week. Bad yun" lumuhod ako sa kanyang harapan para aluin ito.

Itinatak ko sa isip ko na hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan kong sundin ang mga kahilingan ng kapatid ko. Kung magpapatianod ako sa mga iyon baka sa kangkungan kami pulutin. Kailangan palaging gumagana ang utak at hindi basta nakapatong lang ito.

"Okay, Kuya" malungkot niyang sabi.

Mag dadasal na sana kami ng biglang bumaba ang isa ko pang kapatid. Saricha. Sakit sa ulo. Pero hindi ko din magawang sukuan.

Siya na siguro sa tatlo kong mga kapatid ang pinaka matigas ang ulo. Pinaka magastos. Pinaka sutil at pinaka maarte pero mahal na mahal ko. Isusumpa ko talaga kung sino mang lalaki ang maglalapat ng mga daliri dito ng hindi pa sila kasal makakatikim ng langit na may apoy sa akin.

"Hey there lady, ang aga mo yata nagising ngayon" saad ko. Habang inaayos ang mga pinggan at baso sa hapag.

"Aba syempre Kuya. Nasa katapusan na ako ng panaginip ko naaamoy amoy ko na yang niluluto mo" pagbibiro pa nito. Natawa naman ng dahil doon. Kahit kailan ay walang saysay ang mga biro nito. Masyadong malalalim.

"Okay then, let's eat"

Si Tomato ang nanguna sa pag dadasal. Ipinagpapasalamat namin Poong Maykapal ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan.

//

Matapos ang agahan ay agad naligo sina Tomato at Saricha. Hinihintay lang ako ni Loi matapos mag hugas ng mga pinag kainan para siya naman ang paliguan ko. Palibhasa'y lalaki nahihiya itong mag paligo sa mga kapatid naming babae. Ang pototoy ni tutoy.

IN PAIN ( TO BE EDITED hehe )Where stories live. Discover now