Chapter 8

3.5K 146 1
                                    


CASSANDRA HANNALET MORRIES





"Hoy Cassandra!"

Mabilis akong napatingin sa taong sinigaw ang maganda kong pangalan. "Bakit?" tanong ko

"Sabi ko kung may gawa ka ng assignment?" Selene asked

Tumango ako bago kunin ang notebook ko sa bag at iabot sa kanya. Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Ang lakas ng loob humarot kay Doc. Achilles, hindi naman marunong gumawa ng assignment. Tss.

"Are you alright?" Juno asked

I nodded. "Oo naman." simpleng sagot ko

Napaiwas ako ng tingin ng mataman siyang nakatingin sa'kin. Ano bang nangyayari sa'kin? Wala ko sa sarili mula ng gumising ako kanina.

"You look sad." she suddenly said.

I shook my head. "No, I'm not."

Her eyebrows met. "Ee ano?" kunot noong tanong niya

I inhaled deeply. "Hindi ako malungkot. Hindi din ako masaya. I just feel, I'm incomplete." I finally said

Napatitig ako sa harapan kung nasan si Ianthe at Jeremiah na nag-uusap. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Buti pa ang bruhang 'to, masayang-masaya sa piling ng taong mahal niya. Kumpletong-kumpleto siya.

I sighed. Pagod na ko. Pagod na kong magpanggap na masaya. Pagod na kong tumawa ng peke. Pagod ba kong ngumiti na hindi abot sa mata.

Pagod na ko...

"What happened?" She asked

I shook my head. "Nothing."

"C'mon, tell me. Baka may maitulong ako." pagpipilit pa niya.

I slightly smiled at her. Hindi ako ang klase ng tao na nagkukwento sa kanila ng tungkol sa nararamdaman ko. Lahat ng problema ko, sinasarili ko lang. Ayaw kong makaabala sa kanila. Dahil alam ko naman sa bandang huli, magsasawa din sila.

Magsasawa din silang makinig ng mga hinaing ko sa buhay. Magsasawa din silang sabihan ako ng mga advice nila. Magsasawa din silang icomfort ako, yayakapin ng mahigpit at sasabihing 'okay lang yan'.

Kaya mas maganda na kung sa umpisa pa lang, mag-isa na kong lumalaban. Dahil kung isasama ko sila sa laban ko, bandang huli susuko din sila. Kaya maiiwan ako, at matitirang lumalaban mag-isa.

That's life.

Ikaw lang ang taong makakatulong sa sarili mo. Ikaw lang taong makakagawa ng paraan para mapagtagumpayan ang hamon ng buhay.

Sa madaling salita, sarili ko lang ang kakampi ko. Sarili ko lang ang pag-asa ko.

Mariin akong napapikit para pigilan ang luhang namumuo sa gilid ng mata ko.

Lumaki akong malayo ang loob sa pamilya ko. Since highschool, nakabukod na ko sa kanila. Paminsan-minsan dumadalaw ako sa mansion para kamustahin ang mga kapatid ko, para kamustahin sila.

Hindi 'man nila sabihin, ramdam ko. Ramdam kong ayaw nila kong makita. Kaya magmula noon, isang desisyon ang nabuo sa'kin. Ginusto kong lumayo at mabuhay mag-isa. Sinabi ko sa kanila 'yun. Naghihintay ako na pigilan nila ko at sabihing 'wag kang aalis'. Pero sarili ko lang ang niloko ko.

Tumingala ako para pigilan ang luhang gusto kumawala sa'kin.

Fck! Ang sakit lang. Ang sakit lang na hanggang ngayon, hindi parin nila ko napapatawad. Ang sakit dahil hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari.

Drunk In LoveWhere stories live. Discover now