ANG HUKOM by Lualhati Bautista (not mine)

916 4 1
                                    

ANG HUKOM by Lualhati Bautista

Umilap ang mga mata ni Rey nang makilala niya ang tinig sa telepono. Tiniyak niya na walang tao sa sala. Tinapunan ng tingin ang salaming pinto ng aklatan ni Hukom Rolando Villafuerte, at tiniyak na it ay abala sa pagsasalita sa maliit na mikropono ng kanyang dictaphone.

Habang sumasagot sa telepono, ang mga mata ay nakatuon sa hukom; baka maisipan nitong damputin ang extension sa ibabaw ng katabing mesa. o baka siya ay malingunan.

"tiyak ba sa kongreso bukas, Rey?"

"T-tiyak," mahina ang tugon niya, "alas-nuwebe."

"Good."

"Max," mabilis ang tawag niya, bago maibaba ng kausap sa telepono. At mahina halos anas na idinugtong niya: "h-huwag lang sa kotse."

ang ganti ay mahinang tawa, na kasingkahulugan na rin ng pagsasabing "huwag kang mag-alala, Rey!" Sinundan ng mahinang klik.

dahan dahan ang ginawang pagbaba ni Rey sa awditibo. Sa kabila ng salaming pinto, ang walang kamalay-malay na hukom ay patuloy sa pagsasalita na may kasamang kumpas. Habang ang tape ng dictaphone ay mabagal na umiinog, nilulon ang lahat na sinasabi nito. Bukas ng umaga ay mabilis na isusulat iyon ng stenotypist, at mamakinilyahin. Bukas ng hapon at nakatakdang sabihin iyong muli ng hukom sa sesyong dadaluhan nito.

Ngayon ay maghahantinggabi at ang hukom at dapat nang matulog. Ngunit ang hukom ay abala; hindi alam na ang lahat ng pag-aabalang iyon ang ay nakatakdang mawalan ng saysay. 

Hukom Rolando Villafuerte.

Bata pa siya, kuwarenta lamang, at madangang lalaki. Tanyag, isa sa iilang hukom na matapat sa kanyang tungkulin.. Tiyak ni Rey. Sa dalawang taong ipinaging tsuper niya ng mga Villafuerte, hindi miminsan na ito ay nilapitan ng malakas at inalok ng deal.

"sa ibang araw, Rey. Siguro, sa ibang araw kung ang mga anak ko at wala nang makain! lapitan nila ako atbaka sakaling sunggaban ko ang sampung libo nila!"

 Ang bagsak ng pinto ng kotse, ang pamumula ng mukha ni Hukom Villafuerte, at ang pagngangalit ng ugat sa sentido nito ay laging sapat nang larawan ng naging pag-uusap nito at ng isang lalaking may mapitog na bulsa.

Hanggang sa maging katangi-tangi ito bilang hukom na mabilis magpasya sa mga usaping dumarating sa kamay nito. Hanggang sa maging kapuna-puna ang kabagsikan ng mga desisyon nito.Habambuhay na pagkabilanggo. Kamatayan sa siylya-elektrika.

At ito ay sinimulang purihin at palakpakan ng mga komentarista. Modelo, anila. Huwaran. Ngunit ito ay nagsimula ring tumanggap ng mga banta.

"hindi kayo natatakot, Judge?"

"Ginagawa ko lang ang tungkulin ko, Rey!"

Ngunit sa kaibuturan ng loob ni Rey ay laging naroon ang pagtutol.

"Judge, kung ang bilangguan ay reformatory institution... paano pa mare-reform ang isang tao kung siya'y patay na?"

"may mataas na hukuman pa para magdisisyong muli sa kasong 'yon."

"at kung kumpirmahin ang hatol n'yo?"

"Hindi ko kasalanan!"

"Pero kung naging cinsiderate kayo, judge..."

"R ey, dinaramdam kong gawin ang mga bagay na kinakailangan ko gawin! hindi ko kasalanan ang magkasala sila, at dapat silang maparusahan!"

"Kung minsan, Judge... nakakagawa ang tao ng kasalanan nang di niya sinasadya!"

"at kung minsan ay sinasadya, Rey!"

may mga paniniwalang hindi nila pinagkakaisahan. Madalas, hinihingi ng kalagayan ni reyna na siya'y sumuko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANG HUKOM by Lualhati Bautista  (not mine)Where stories live. Discover now