CHAPTER 4

267K 4.6K 1.7K
                                    

CHAPTER 4

NASIMOT nilang lahat ang luto ni Celeste. Wala silang itinira. Kahit busog na sila, hindi nila napigilan ang sarili na ubusin lahat dahil napakasarap ng luto nito. Nag-agawan pa silang apat na magkakaibigan sa Chocolate Fundou na ginawa ni Celeste.

"Damn, you are the best cook, ever!" Sigaw ni Rhun habang hinihimas ang tiyan nito.

Si Terrence na halos bilhin nila ang ngiti ay ngumiti. "Rhun's right. You're the best cook."

"The very best." Sang-ayon naman ni Khayyam na nakangiti.

Napangiti nalang siya sa komento ng mga kaibigan niya. Yes. The food was very delicious. Nagpapasalamat siya at narito ang dalaga para ipagluto sila, kung wala ito rito, baka nasermunan na naman siya ng mga kaibihan dahil kung hindi take-out baka fast food ang kinakain nila ngayon.

Dumako ang tingin sa kanya ni Celeste. "Masarap ba ang luto ko, Reece?"

He smiled at her then nodded. "Yeah. Masarap."

Celeste smiled back. "Great. Now, magsitayuan na kayo at maghuhugas na ako. Doon muna kayo sa sala."

"We can’t let you wash the dishes." Pigil ni Khayyam kay Celeste ng akmang lilinisin nito ang hapag-kainan. "Ikaw na nga ang nagluto, ikaw pa ba ang paghuhugasin namin? No way. We'll wash." Tumingin ito sa kanila. "Right boys?"

Rhun nodded. "Right." Tumayo ito at hinawakan si Celeste sa magkabilang balikat. "Just sit and we will do the washing for you."

Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang kamay ni Rhun sa magkabilang balikat ni Celeste. Parang umakyat ang dugo sa ulo niya sa nakita. Hindi niya namalayan na naglakad siya palapit sa mga ito at pinalis ang kamay ni Rhun sa balikat ng dalaga habang masamang nakatingin dito.

NATIGILAN siya at Rhun ng may humawak sa kamay nito na nasa balikat niya at pinalis iyon. Nang tingnan niya kung sino iyon, bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita si Reece sa likuran niya.

"Reece? What the hell are you doing?"

"Maghuhugas na kami." Anito habang matiim na nakatingin kay Rhun. "Doon ka na sa sala." Anito at bahagyan siyang itinulak palabas ng kusina.

Nilingon niya ang binata at nakita niyang gumagalaw ang panga nito. Nagsalubong ang kilay niya. Ano kayang problema ng lalaking iyon?

"Go to the living room, Celeste." Matigas ang boses na wika ni Reece.

Napipilitang sinunod niya ang utos ni Reece. Hmp! Ang lalaking yun talaga. Nakakainis ang pagiging authoritarian nito.

Nakasimangot na umupo siya sa mahabang sofa at pinag-krus ang braso sa harap ng dibdib.

Ilang minuto rin siyang naghintay bago natapos maghugas sina Reece, Rhun, Terrence at Khayyam. Nakangiti na ang mga ito at nagbibiruan habang naglalakad palapit sa kanya.

"Hey, Celeste." Nakangiting bati ni Rhun sa kanya. "Sorry about what happened in the Kitchen. Masyado lang territorial itong lalaking 'to." Wika nito at itinuro si Reece.

Inungusan ito ni Reece at tumabi ito ng upo sa kanya. "Magsilayas na nga kayo."

Tumawa ng malakas si Rhun. "Man, that's rude of you but we understand." Bumaling ang tingin nito sa kanya. "Thanks for the great food."

"Yeah." Said Terrence. "Nagpapasalamat kami at narito ka dahil kung si Reece ang nagluto baka bumula na ang mga bibig namin." Sa mukha ni Terrence, parang hindi ito nagbibiro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Seductive Deal with Mr. Billionaire - On Hold For NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon