CHAPTER 2

182K 3K 118
                                    

CHAPTER 2

NANINIKIP ang dibdib niya habang nakatingin sa bahay ng mga magulang. Hindi man siya rito tumira pero para sa kanya ang bahay na ito ay ang tanging itinuturing niyang tahanan. Ito lang ang tanging lugar kung saan pakiramdam niya ay malapit lang siya sa mga magulang niya.

A tear fall down from her eyes. Mabilis niyang pinahid ang luha at kinagat ang pang-ibabang labi para pakalmahin ang sarili.

Bailey hugged her from behind. "You can live with us if you want." She said, "I'm sure mom won’t mind."

She faced her to hug her back. "I’m okay. Don’t worry about me."

Bailey is an amazing cousin and friend. But her parents are another matter. Kahit ang ama nito ay kapatid ng ama niya, magkaiba ang paniniwala ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman niya na gusto ng mga magulang nito na kamkamin ang ibang ari-arian ng mga magulang niya sa kadahilanang pag-aari daw iyon ng mga magulang ng mga ito pero sinisiguro ng Daddy niya na binili nito ang mga lupang iyon sa mga magulang nito mismo.

Kuwento pa ni Atty. Manalo sa kanya, hindi matanggap ng ama ni Bailey na mas maraming ari-arian ang ama niya kaya naman nasisiguro niyang isa ito sa mga taong magbubunyi kapag tuluyang bumagsak ang kompanya nila.

Pero isa-isa, unti-unting nalagas ang mga ari-arian nila dahil iyon ang pinambabayad ng ama niya sa Bangko. At wala man lang siyang kaalam-alam. Naroon lang siya sa California at nagpapasarap. Kung hindi dahil Kay Atty. Manalo, hindi niya malalaman na ang tanging natitirang ari-arian ng mga magulang niya ay ang Kompanya ng mga ito na lamang.

Magulo ang pamilya nila pero ni minsan hindi sila nagpa-apekto ni Bailey. They are best friend 'till they breathe.

"Celeste, I just want you to know that our house is open for you." Ani ni Bailey habang yakap pa rin siya.

She pulled away from the hug and looked at Bailey softly. "I'll be fine, Bailey. Don’t worry about me."

"Paano ako hindi mag-aalala?" Tumingin ito sa bahay niya. "Wala kang titirahan. No one will offer their home to you. Please, Celeste, sa bahay ka nalang muna tumira hangga’t hindi ka pa nakakahanap ng matitirahan."

She shook her head. "I'll be fine." Bumitaw siya sa pagkakayakap dito at nginitian ito. "Bahala na ako kung saan ako titira. Magiging okay lang ako. Promise."

Umupo siya sa tabi ng travelling bag na nasa gilid ng kalsada, sa labas ng bahay nila.

"Why don’t you go back to America?" Anang boses ni Bailey.

Huminga siya ng malalim at sinagot ito. "I can’t. Hindi ko puwedeng iwan ang kompanya. Kahit wala na ang bahay, may kompanya pa akong dapat palaguin."

"Celeste, no offense meant but your company is about to sink. Why don’t you just leave it all behind and start a new life in California?"

She was offended, pero hindi niya pinahalata. "I'll find a way to un-sink it." Tumayo siya at kinuha ang travelling bag pagkatapos ay sumakay sa kotse niya.

Nagpapasalamat siya na kahit papaano, mas sasakyan pa siya. Hindi iyon nasama sa kinuha ng Bangko.

NATAGPUAN ni Celeste ang sarili sa sementeryo, sa harap ng puntod ng mga magulang niya.

Isa-isang tumulo ang mga luha niya habang nakatingin sa libingan ng mga magulang. Parang kinakatay ang puso niya sa sakit na nararamdaman. Siguro karma na ito sa kanya. Never in her life did she felt hopeless. Mula pagkabata, namulat na siya sa marangyang buhay. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Wala pa siyang ginusto na hindi napasakamay niya. Lahat ng luho niya ay sinunod ng mga Magulang niya. Ang hindi niya alam, naghihirap na pala sila. At iyon ang pinagsisisihan niya. Baka kung hindi siya naging maluho, hindi mababaon sa utang ang mga Magulang niya.

A Seductive Deal with Mr. Billionaire - On Hold For NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon