Chapter 6

118K 3.5K 1.1K
                                    

Weeksary







Para akong nanigas nang maghiwalay ang mga labi namin ni Kenzo. Hindi ako nalagaw ni ang huminga ng maayos ay hindi ko magawa. Nakita ko ang pagnginisi ni Kenzo. Marahang humaplos ang kanyang palad sa aking bewang.

"Breathe baby" malambing na utos niya sa akin. Ang kaninang pagkabato ay nahaluan pa ng pagtaas ng aking mga balahibo sa katawan dahil sa sobrang sexy ng boses niya ng sinabi niya iyon. Nakalimutan ko na tuloy kung ganuon ba talaga ang boses niya o baka ngayon lang.

"Hey Sera..." nagaalalang tawag niya sa akin. Kaya naman ng makabalik ako sa aking sarili ay panay ang paghabol ko sa aking hininga.

Napahawak ako sa aking dibdib. "Papatayin mo ba ako?" inis na tanong ko kay Kenzo. Nanatili siyang mariing nakatingin sa akin.

"Is that your first kiss?" seryosong tanong niya sa akin.

Napanguso ako, tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi noh! Duh!" laban ko sa kanya at pagsisinungaling.

Akala ko ay maniniwala si Kenzo. Pero kaagad lamang siyang ngumisi. "I'm your first kiss" nakangising sabi pa niya na para bang proud na proud siya.

Napaawang ang bibig ko. Gusto ko pa sanang tumanggi ang kaso ay wala na akong iba pang maisip na idadahilan sa kanya.

"Bakit masama ba yun? Gusto mo ba yung babaeng may experience?" mapanghamong tanong ko sa kanya. Madami akong kilalang lalaki na may gusto yung babaeng nay experience na. Kagaya nila Ivan at Rome, ayaw din nuon sa mga babaeng inosente.

Unti unting napawi ang ngiti ni Kenzo. "What are you talking about?" seryosong tanong niya sa akin naikinairap ko. Ang kapal ng mukha netong gagong to, painosente effect pa.

"Hoy!" asik ko sa kanya na may kasama pang panduduro. "Hindi porket tayo na magseSex tayo ha!" galit na sabi ko pa sa kanya. Kita ko ang pagkagulat ni Kenzo.

"That damn mouth Sera...that damn dirty mouth" madiing sabi niya habang nakatitig sa aking mga labi. Bayolente akong napalunok. Hanggang sa muli ko nanamang naramdaman ang libo libong boltahe ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan dahil sa paghalik niya sa akin.

He literally suck my lower lips! Ramdam na ramdam ko iyon kaya naman hindi ko naiwasang mapadaing. Matapos niyang magsawa sa lower lips ko ay muli niyang inangkin ang labi ko ng buong buo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagpaubaya na lamang ako. Napaawang ang aking bibig ng maramdaman ko ang mapangahas na dila ni Kenzo.

At dahil wala akong inuurungang laban ay nilabanan ko siyang. Nilabanan ko ang dila niya. Hindi pa ako nakuntento, hinawakan ko pa ang kanyang magkabilang pisngi para pumirmi siya. Sa huli ay kitang kita ko kung paano sumama ang lower lips ko dahil sa pagkakalagat niya dito.

Kapwa namin habol ang aming hininga ng pinagdikit niya ang aming mga noo. Kalat ang lipstick ko sa kanyang mga labi. Napatawa ako ng mahina dahil duon, itinaas ko ang kamay ko para marahang pahiran ang marka ng lipstick ko sa pisngi at paligid ng labi niya.

"Ehem!"

Pareho kaming napabalikwas ni Kenzo dahil sa pagdating ng Janitor. May hawak itong walis at umaaktong nagwawalis ng sahig kahit wala namang kalat duon.

"Bawal iyan dito" pangaral niya sa amin kaya naman kaagad naginit ang pisngi ko. Tangina, first kiss pa lang nahuli na. Malas amputa.

Sandali pang sumulyap sa amin ang Janitor kaya naman muli akong napaiwas ng tingin sa kanya. Inayos ni Kenzo ang pagkakasukbit ng backpack niya na halos mahulog dahil sa intensidad ng halikan namin kanina.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now