Papansin Ka!

66.1K 1.6K 380
                                    

A/N: Korni story, read if u want c
:

                                                  .          .           .

                                         Papansin Ka!(One Shot)

                                                  .          .           . 

"Elaine, alis ka nga diyan!"

"Elaine, paharang harang ka!"

"Elaine bakit ba ang kulit mo?"

"Ely, pwedeng tumabi ka?"

"Shut up! Wag mo nga akong tawaging Eli!!" Mukha kasing ELIpante eh! Pumalit ako ng upuan kay Misha, punyeters naman kasi 'tong si Brick eh! dahil naging seatmate ko lang naging papansin na,

Pero well, crush ko siya kaya pinagbibigyan ko parin, ahihi!

"Um, Misha, pwedeng palit tayo? 'Di ko kasi makita yung nakasulat sa gilid ng whiteboard." Sabi ni Brick kay Misha,

"Huh? Wag na!" Aniya,

"Hala 'di ko makita eh, gusto mo kunin ko notebook mo at kopyahin ko na lang?"

"Yoko! Nagsusulat pa 'ko no, sige na nga." Bumigay narin si Misha at nagpalit sila ng upuan ni Brick, walangya!!

Wag ko ngang pansinin 'tong lalaking 'to 'pag kinausap ako.

"Elaine, 'di ko makita yung nakasulat sa whiteboard, pwedeng pakopya ng sayo?" Sabi niya at biglang hinihila ang notebook ko sakanya,

"Anubayan nagsusulat pa ko!" Paarte ko, kahit patapos na.

"Konti lang oh. Uusugin ko lang ng konti yung notebook mo."

"Ayan si Misha oh! Mukhang patapos na, siya nalang!"

Tinitigan namin pareho si Misha, pero tinignan lang niya kami ng masama,

"Bad mood." Bulong ni Brick sakin, napabuntong hininga nalang ako, shocks wala nang magagawa! Makikita niya pa yung pangit kong handwriting Huhu.

"Sige na nga!" Inusog ko ng konti yung notebook ko papalapit sakanya, pina-chinito niya pa yung mata niya dahil hindi niya makita,

"Di ko makita eh!"

"Bahala ka! Umusog ka nalang kung gusto mo." Sabi ko at ginawa nga niya! Inusog niya yung upuan niy papalapit sakin!! Ngayon halos konting galaw lang mararamdaman ko na ang hininga at init ng katawan niya.. EMEGHED!!

BAD CHOICE!!

"U-usog ka nga.." Pilit kong pinupush yung upuan niya paatras,

"Di ko nga makita eh, saglit lang." Nilapit niya ang ulo niya sa notebook ko, yung heart ko ang bilis ng takbo!! Please Lord sana 'di niya mapansin!

Lumalayo nalang ako ng konti sakanya, 'di na kasi ang makalayo dahil nakaupo lang kami eh, tapos nakaharang pa yung armchair!

"A-asan ka na ba?" Lumingon ako ng tingin sa notebook niya at nakita kong tapos na pala siyang magsulat!! Bwiset ka Brick niloloko mo 'ko!

"Leche ka Brick! Tapos ka na pala eh! Alis ka na nga!" Inusog ko with force na talaga yung upuan niya at tumayo na 'ko.

"Ron, palit tayo." Sabi ko kay Ron na katabi yung aircon,

"Hala, wait!" Sabi ni Brick at hinawakan pa ang kamay ko nang mapatayo na ako, BRICK TANGGALIN MO YUNG KAMAY MO KUNG AYAW MONG MAPAISIP AKO NG KAKAIBA!!

Papansin Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon