Young Love

47 0 0
                                    

"Takpan mo na mga mata mo." Masiglang sabi ng batang si Gino sa pitong taong gulang na si Marga.

"Walang sisilip, ha?"

Tumango naman ang batang si Marga.

"Pitik bulag!" Sabay na sigaw ng dalawang bata.

Sa pagkalabit ni Gino kay Marga ay ginaya lamang niya ang kamay ng kaniyang kalaro kahit hindi naman iyon ang daliring ginamit niya. Gustong-gusto ni Gino kapag nananalo si Marga. Para bang mas sumasaya siya sa tuwing masaya ang kaniyang kaibigan.

"Yey! Panalo na naman ako!" Pagdiriwang ni Marga habang nagtatatalon at nagsasasayaw.

"Iba naman laruin natin. Palagi lang naman akong talo d'yan!"

"Sige. Hmmp, ano naman kaya pwede nating laruin?" Sabi ni Marga habang hinihimas pa niya ang kaniyang baba.

"Alam ko na! Magbahay-bahayan tayo! Ako yung nanay at ikaw naman yung tatay!"

Habang naglalaro ay biglang nagsalita si Marga.

"Pagmalaki na tayo gusto ko ikaw asawa ko." Nakangiting sabi niya kay Gino.

"Talaga? Ako rin ikaw gusto ko!" Masayang sagot ni Gino.

Bata man kung iisipin ay may pagkakaintindihan na ang mga puso nila.

Palaging ganiyan lang ang nilalaro ng dalawang bata kapag sila lang ang magkasama. Madalas kasi ay silang dalawa ang huling sinusundo sa kanilang magkakakaklase.

...

Patalon-talon si Gino habang naglalakad at hawak hawak ang isang tungkos ng santan. Paborito nila ni Marga ito dahil sinisipsip nila ang katas nito. Kaya lakad takbo niyang hinahanap ang kaibigan. Ngunit may iba itong mga kasama ngayon. Kaya naman nagtago muna siya para biglain sana si Marga kapag malapit na ito sa kaniya.

"Marga, gusto mo bang kaibigan si Gino?" Tanong ng batang babaeng kaklase nila.

"Hindi." Simpleng sagot ni Marga na nagbigay naman ng lungkot kay Gino kaya naman dalidali itong tumakbo.

Nagtampo ng husto si Gino sa kaniyang narinig. Nagtagal din ng tatlong araw ang hindi niya pagpansin sa kaniyang kaibigan hanggang bumigay na rin siya dahil umiyak si Marga sa kaniyang harapan.

...

Lumipas ang panahon at nasa huling taon na sila ng kanilang sekondarya. Matalik na magkaibigan pa rin ang mga ito ngunit lumaking mahiyain si Gino habang si Marga naman ay kilala sa kanilang paaralan dahil isa ito sa mga palaging nangunguna sa klase at madalas din itong manalo sa patimpalak. Isang linggo bago ang kanilang prom ay tatanungin sana ni Gino si Marga para maging kapareha nito. Tulad ng dati ay may dala rin itong isang tungkos ng santan. Paborito pa rin nila itong dalawa.

Papasok na si Gino sa kanilang silid nang marinig niya ang kanilang escort sa klase na ayain si Marga para maging kapareha nito sa prom. Ayaw nang marinig ni Gino ang magiging sagot ni Marga dahil alam naman niyang wala siyang panama sa lalaking iyon. Siya lang naman si Gino na kaibigan ni Marga.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat maliban kay Gino. Buo na ang isip niya na hindi siya pupunta sa kanilang prom. Kaya naman nagkulong lang siya sa kaniyang kwarto maghapon.

Alas kwatro na ng hapon nang may biglang kumatok sa kaniyang kwarto.

"Gino! Gino! Hindi ka pa raw naghahanda?" Boses ni Marga.

"Hindi ako pupunta, Marga." Matamlay na sagot niya pagkabukas niya ng pinto tsaka agad na tumalikod at dumapa sa kaniyang kama.

"Sige, hindi na rin ako pupunta. Saying nga lang ang pag-aayos ko."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Biglang napatingin si Gino sa dalaga. "Wow!"

"Oh, diba nagpaganda pa naman ako para sayon, hmp."

"A-ano? S-sakin? P-paanong? Di ba si? Bakit?" Pautal-utal niyang sabi.

"Hindi naman ako umoo sa kaniya. Tsaka may iba akong gustong makapareha."

"S-sino?"

"Siyempre gusto kong makapareha yung ayaw kong maging kaibigan dahil gusto ko siyang maging asawa kasi mahal na mahal ko siya."

"S-sino?"

"Ikaw."

At doon nagtapos ang kanilang pagkakaibigan. Dahil magsisimula na ang kanilang pag-iibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Young LoveWhere stories live. Discover now