59

7.4K 225 9
                                    

Brianna

Sawakas at nagkaron din ako ng pov haha natimang kasi si author ng dahil sainyo masamang nasstress ang isang tao sa kakaisip dahil maari itong matuloy sa depression kaya dapat iwasan natin na mag-isip happy thoughts lang muna ang isipin natin.

"Doc may pasyente po tayo" mabilis akong napalabas sa office ko ng katukin ako ng isa sa mga nurse namin dito sa ospital, sumunod ako sakanya at natagpuan ko ang isang pamilyar na lalake na namimilipit sa sakit.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa mga kasamahan niya nagulat din sila ng makita ako pero agad din nila itong binawi pansin kong masyado yatang magugulatin ang magkakapatid nato.

"Nahulog siya sa skateboard na sinasakyan niya kaya nabali ang binti niya" mabilis kong chineck ang paa niya at namamaga nga ito sumenyas ako sa nurse kaya kumuha ito ng wheel chair at dinala na sa ER

"Ako ng bahala sakanya" tumango ang mga ito sakin kaya mabilis ko na silang iniwan.

"Doc okay na po" tumango ako dito at nagpasalamat ginawa ko ang dapat kong gawin bilang isang doctor hanggang sa simentuhin na namin ang binti niya para hindi na ito lalu pang lumala ng matapos ang lahat ay ipinahatid ko na ito sa magiging kwarto niya at lumabas na sa pinto ng ER sumalubong kaagad sakin ang Tan brothers ng may pag-aalala sa mukha.

"He's okay pinadala ko narin siya sa room niya maybe 1-2 months doon palang natin maaalis ang cast sa binti niya the rest ay wala namang complication na nangyari"

"Thank you doc" tumango ako dito at lumakad na palayo sakanila im not sure kung natatandaan nila ako sa engagement nina Raven at Harley pero kung hindi man eh wala nakong paki don.

"Doc flowers" hayag ng security guard at inabot ang isang bouquet ng flowers sakin.

"Kanino daw galing?" I asked.

"Basahin niyo nalang doc may card naman akong nakita diyan" ngiti niya nagpasalamat ako sakanya bago tuluyang pumasok muli sa office ko.

Palagi nalang ganito ang ganap sa ospital maraming pasyente ang bigla bigla nalang sinusugod kaya bigla bigla nalang din kaming napapatayo at ginagawa kung ano ang dapat naming gawin, umupo ako sa upuan ko at inilapag muna ang roses sa lamesa kinuha ko ang card na nakasulat dito at binasa ito.

Dear Ma:*

Alam kung busy ka ngayon kaya hindi mo nanaman nasagot ang tawag ko kaya naisipan ko nalang na magpadala ng flowers tutal walarin naman akong ginagawa ngayong araw sa office ko, namimiss nakita hindi ko manlang narinig ang boses mo ngayong araw:( sunduin moko mamaya may utang kang date sakin. I love you:*:*:*

The future mother of your childrens

Natawa nalang ako ng mabasa ko ang car kung makapagsabi siya ng childrens parang isang buong team ang gusto niyang buuhin haha anyway tumawag pala siya kaya agad kong kinuha ang phone ko na naiwan ko sa drawer ng mesa ko ang dami ngang missed calls, denial ko ang number niya at ilang ring palang ay may sumagot na dito.

"Bakit ngayon kalang" sa timbre palang ng boses niya halatang nakalabi na siya ngayon, ugh sayang lang at wala ako sa tabi niya para bigyan siya ng halik.

"Sorry po meron po kasing emergency na nangyari kaya hindi ko nasagot ang tawag mo" narinig ko ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya.

"Nakakainis! Palagi nalang may emergency diyan sa ospital niyo hindi ba nauubusan ng aksidente sa lugar niyo"

"Haha my alam mo naman na palaging may hindi inaasahang mangyayari diba, kung papipiliin nga lang ako mas gusto ko ng wala kaming pasyente atleast alam ko na safe ang lahat at isa pa palagi nakong nasa tabi mo non kaya lang wala nakong trabaho dahil dina nila kailangan ng doctor kaya ikaw naman ang magpapakain sakin" natawa nalang ako sa kalokohang naiisip ko dinaig ko pa ang tambay pag nagkataon.

Her Fake identity (GxG) (COMPLETED)Where stories live. Discover now