46

8.5K 313 7
                                    

Freya

Ngayon ang araw na makakasama ko si yasmine na mag dinner na kaming dalawa lang madalas kasi kasama namin ang iba kaya wala kaming moment sa isat isa.

"Hala diba si Ms,Freya yon yung dating nag-aaral dito"

"Pre siya nga! Ibang klase ang ganda niya pala talaga sayang at hindi na natin sila naabutan ng GFour dito sa school"

"Sana maging girlfriend ko siya"

Natawa naman ako sa huling bulong na narinig ko, ganyan nga magpatangay lang kayo sa kagandahan ko pero sorry nalang dahil may yasmine nako eh at siya lang ang gusto kong maging girlfriend.

Kumatok muna ako sa pintuan ng classroom niya kung saan din kami madalas mag klase noon narinig ko pa ang pagsabi niya ng sandali lang class bago tuluyang buksan ang pinto.

"Hey what are you doing here" gulat na hayag nito lumabas siya ng pintuan at isinara ito

"Masama nabang sunduin ang soon to be girlfriend ko?" Maarteng hayag ko rito dahil parang dismayado pa yata siya na makita ako.

"Pero diba mamaya pa ang usapan natin anong oras palang may isang oras pako dito" inirapan ko siya dahil mas mahalaga parin talaga sakanya ang pagtuturo niya kesa sakin.

"I know gusto kolang isurprise ka pero mukang ayaw mo yata na andito ako kaya aalis nalang ako" patampong hayag ko tignan ko lang kung matiis moko.

"Teka lang" habol niya at hinawakan ang braso ko

"Bakit?" Nakataas na isang kilay na hayag ko pakipot muna tayo mga besh.

"Hay...don ka muna sa office ko pupuntahan kita don after my class" tinitigan ko muna ito ng mabuti dahil parang napipilitan pa yata siya sa disisyon niyang papuntahin ako sa office niya.

"Please freya" dahil nga sa nacutan ako sa paggiging paawa effect niya ay pumayag nako rito.

"Okay ill see you later" i said and i kissed her on the lips hindi niya yon inaasahan kaya iniwan ko nalang siya sa labas ng pintuan niya na tulala habang ako tumatawang tinahak ang office niya.

Pumasok ako sa loob nito at pinagmasdan kung may nagbago ba sa office niya makaraan ang ilang taon. Nakapasok nako dito noong nag-aaral pako at studyante niya pako that time at naalala ko na may ginawa rin pala kaming kababalaghan dito haha. Well we just kissed at hanggang don lang pero yung halikan namin ay tumagal ng ilang oras pero hindi niya hinayaan na may mangyari dahil bata pako that time at medyo ahead siya sakin ng konti and also ang policy na students and teacher can't have a secret relationship.

Umupo ako sa swivel chair niya at tumingin sa buong mesa niya na merong mga class records at iba pang papel na nakatambak andon din ang picture naming dala noong magkayakap kami kaya kinilig tuloy ako.

"Excuse me Yasmine but i need to tell you somethin.." Nagulat ang babaeng kaedaran ko lang ng makita akong nakaupo sa upuan ng soon to be girlfriend ko. Maganda siya at hm..mahahaba ang biyas niya meron din siyang nunal sa may bandang balikat nakita ko yon dahil naka off shoulder siya sino naman kaya ang babaeng ito at anong ginagawa niya sa office ng soon to be girlfriend ko.

"Excuse me who are you?" She asked tumayo ako at lumakad palapit sakanya.

"I am Freya Lagman girlfriend of Yasmine Bautista and you are?" I asked diniin ko narin ang girlfriend dahil iba ang sense ko sa babaeng ito parang hindi gagawa ng maganda.

"I-m..ehem I am Valine Chua co teacher ni Yasmine" pakilala niya "sa pagkakaalam ko single si yasmine how come na girlfriend mo siya" intrigadora din pala ang ate niyo.

Her Fake identity (GxG) (COMPLETED)Where stories live. Discover now