Chapter 11: I am Miss Aldover.

126 3 0
                                    

SORRY dahil ngayon lang ako nakapag-update. Super busy lang sa school. May mga daga pang inaalagaan for our Experimental Psychology subject. SANA basahin niyo pa din itong story ko kahit ganoon! :)

Hay nako. Oo na. Napaamin na nga ako kay Xandra na luka. Pati si Jen tawa nang tawa saken. >____< Eeeeep! Nakakahiya kaya!

Pagkatapos ng aming pag-irit na akala ng iba ay nanalo kami sa lotto, umupo na kami sa aming respected seats. Dumating na kasi ang teacher namin sa World History. Sabi ng mga previous batches, kakaiba daw itong teacher na ito, na terror daw, blahblahblah. The exact opposite naman ang pansin naming magkakaklase.

Ang bait naman ni Ma'am Valdez. Kapag nagbibigay ng quiz, konti lang naman ang bumabagsak at iyon ay yung mga talagang hindi nag-aral. Bago naman mag-exams, nagkakaroon kami ng class challenge. Parang quiz bee sa loob ng classroom, may groups 1 & 2, kung sino manalo, may + sa exams. Kaya talagang napipilit ni Ma'am na mag-aral kami. Ang maganda pa dun ay masaya ang nangyayari, talagang tuwang-tuwa ang lahat pag sasagot na. Nanalo nga kami nung unang challenge eh! Edi may + 5 kami :-) kawawa si Xandra, nasa group 2. Hahahaha :))

After ng lesson namin about King Louis XIV at iba't-iba pang hari na may pangalang Louis, Charlemagne and the likes, lumabas na si Ma'am Valdez. Lumabas din kami ni Xandra para pumunta sa CR. Bigla na lang akong tinawag ni Ma'am.

"Ahm, Miss Aldover, I need to go home early now because my son is sick. Will you attend my next class as a substitute?", sabi niya saken.

"Ah, eh...Ma'am, I don't know if Sir Briones would allow me. We'll be talking about my participation in the Declamation Contest.", may pag-aalinlangan kong sagot sa teacher ko.

"I asked Sir Briones a while ago at the faculty room. He agreed to excuse you in his class and he also asked me to tell you that the Declamation Contest has been moved next next week so you're free to go.", malumanay niyang sabi.

"Ah o sige po. Tell me what to do and I'll do it, Ma'am. Sana po gumaling na ang anak niyo.", sagot ko sa kanya nang nakangiti.

Hindi naman pala nakakatakot si Ma'am eh. Magaling lang talagang teacher kaya nami-misunderstood ng ibang students na makikitid ang mga brains.

"Okay, let's go to the faculty room then I'll give you the things you need. Konting discussion lang then magpapasagot ka lang ng activity. Oh and for your info, sa IV-A ka magtuturo, okay?" - Ma'am Valdez

"Ano po?! Konting discussion? Ah eh, Ma'am, madali lang po ba ang lesson? Economics po ang sa seniors diba?" - ako

Nakalimutan ko na kasama ko pala si Xandra. Tiningnan ko na lang siya ng aking 'bff-mauna-ka-na-sa-cr' look ko. Buti na lang naintindihan niya.

"Yes, Economics nga ang ituturo mo. Konting terms lang naman for you to understand. Madali lang iyon. Tsaka you won't have any problems sa IV-A kasi mababait sila.", nakangising sagot ni Ma'am habang naglalakad na kami papunta sa faculty room.

Nung nakarating na kami sa faculty room, dumiretso na din kami sa kanyang desk. Woooah :O ang daming mga post-it notes na nakadikit sa desk ni Ma'am Valdez! Binigay na niya saken yung Economics book niya then tinuro niya saken yung lessons. Buti na lang may 5 minutes pa ako para makapaglakad papunta sa 4th year building.

Konting hakbang na lang at makakarating na din ako (for the first time!) sa classroom ng IV-A, ang pinakamatataas na Seniors sa Jackson High. Wooooh! Kaya ko 'to!

Bago pa man ako makatapak sa doormat, rinig na rinig ko na ang nakabibinging kaingayan ng IV-A. Ahm. Akala ko ba tahimik itong mga 'to? Sabagay, wala pa naman kasing teacher sa loob kaya sinusulit pa nila yung oras nila para mag-usap-usap.

Kumatok na ako pero walang nagbubukas ng pinto. Haay, baka hindi nila rinig. Oh well, pumasok na lang ako ng classroom nila. Hindi naman kabastusan iyon kasi kumatok naman ako in the first place.

"Ah, good afternoon, Class IV-A. I will be your student teacher for Economics. Ma'am Valdez won't make it because there was an emergency at her home.", nakangiti kong sabi. Pinipigilan ko lang ang hiya ko kasi, heller! Mga Seniors ito, kakatakot kaya!

"Who cares?!", sigaw nung babaeng mukhang haliparot sa likod na ang hawak ay ang eyelash curler at mascara na mukha namang mumurahin.

Nagtawanan na lang ang karamihan sa IV-A. Maliban sa mga halatang-halata na 'nerds' at dun sa isang lalaking naka-ub-ob sa likod malapit sa aircon. Feeling ko napahiya ako dun sa lintek na babaeng nasa likod! >_____< ARGGGGH. I'm not the type of girl who is easily moved.

"Well, you, girl with an eyelash curler on the left hand and a mascara on the right, first and foremost, must care. 'Cause your teacher assigned me to teach all of you the lesson for the day. If you are not interested to listen, then the door will be open for you to go out.", sagot ko na may malaking ngiti sa aking labi.

Nagsigawan na naman ang buong klase (except syempre sa mga nerds). This time ang napahiya ay si girl at the back. Haaaah! Akala mo magpapatalo ako ha?! Akala mo lang yun! Lumapit saken ang isang babaeng sobrang ganda at sobrang fine kumilos. Hindi katulad ko, ubod nang ganda at...wala na. HAHA. Sorry naman :)

"Hello, Miss Aldover. I'm Rose, the class president of IV-A. Pagpasensyahan mo na ang klase namin. Likas na magugulo ang mga tao dito except sa mga 'alam mo na'. You're a Junior from section A if I'm not mistaken.", malumanay niyang sabi saken. Ang puti niya, grabe! Ako, fair-skinned lang, pero siya, super puti! Ang pale niya, para ring vampire. Hihihi! :>

"Okay lang po yun! Keribels ko naman.", ani ko.

Nagsi-ayos na ng mga upo ang mga magiging estudyante ko for an hour and a half. Pumunta na din ako sa table sa may gitna at nag-start na ng lesson ko about Socialism and Capitalism.

Please Be Mine (ON HOLD)Where stories live. Discover now