Chapter Six

11 0 0
                                    

ALEX (Point of view)


"Peram ako reviewer mo, Fatima please" Pakiusap ko sa kanya na nasa taas ng double deck namin.

"Tigas kasi ulo mo, pumunta ka pa dun sa show ni Jared kesa gumawa ng reviewer. Alam mo ba nag alala na ang mga professor naten kasi madalas ka ng nahuhuli natutulog sa klase. Inuuna mo bumuntot dun sa manlokokong mong ex." Madiin niyang sabi.

Wala naman akong magawa kundi. Malungkot sa katotohanan.

"Aso ka ba?" Dagdag niya.

"Hindi..."Mahinang sabi ko.

"Oh di naman pala eh, Bat' panay butot mo dun sa manlolokong yun! Alex naman study first! pag ito nalaman ni Tita anong nalang sasabihin sayo." Pangaral niya sa akin.

Napaupo nalang ako sa kama ko. Alam ko naman, tama lahat ng sinabi niya eh. Kaso hindi ko talagang mapigilan hindi siya makita.

I am a dog that follows him wherever, because I am still hoping I could be with him once more.

Tanga, Bobo, Manhid, Martyr na pero mahal ko kasi siya. And I held on the thought that Jared is the one for me. Pag bumitaw ako baka wala na ako pangkapitan pa bukod sa kanya.

Kaya kakapit ako hanga't kaya ko.

Bumagsak ang mga papel sa lapag.

"Ayan, mag review ka na." Pagalit na sabi ni Fatima.

Napangiti naman ako agad. Tumayo ako at hinarap ko siya

"Thank you, Fats, alam kong mahal mo ako!!"Tuwang-tuwa kong sabi.

"Tse, hindi kita matiis noh!" Sabi niya tas napangiti. Hinilot hilot ko ung paa niya na. Tas tinadyakan niya ako.

"Nakikiliti ako loka ka, mag review ka na nga" Sabi niya.

Agad ko naman kinuha ung reviewers. Nagsimula na ulet ako mababad sa pag babasa.

Ilang oras din ang lumipas. Tumayo ako para mag unat napansin kong naidlip si Fatima kaya pinatay ko na yung ilaw namin. Binuksan ko ang study lamp ko.

Bumababa ako para mag timpla ng kape. Pinaandar ko ang painitan namin tubig.

Habang nag aantay.

"Ang tahimik ng paligid"

Nakulong nanaman ako sa pag-iisip kay Jared.

FLASH BACK

"Lex sikat na sikat si Jared ngayon" Gulat na gulat na binalita ni fatima sa akin habang nakatulala akong kumakain sa cafeteria.

"Tignan mo tong interview nila ni Tanya, yung bagong prime time queen."

Tumabi siya sa akin at sinuot sa akin ang isa niyang earphones at pinundot ang play button.

Interview:

" Jared and Tanya everyone, Maraming salamat at pinaunlakan ninyo kami para makasama namin kayo ngayon."

"Walang anuman Tito boy"Sagot ni Tanya.

"Thank you..." Matipid na sagot ni Jared.

"Okay, let's start na noh, I hope you guys are ready, so my first question are you guys dating?"

Kinilig naman Si Tanya at inayos ang suot na dress.

My Charming Beast Where stories live. Discover now