Chapter Seventeen: Surprise (Final Chapter)

1.1K 17 2
  • Dedicated to Kenneth Delos Reyes
                                    

A/N: Ok, this is as far as it goes. But of course, meron pang epilouge.

And also, don't forget to read the author's note at the end of this chapter.

Enjoy! :)

========================================================

Emma's POV

Ok, ito na 'yun. this is the day! I'm waiting for kierby to arrive. medyo napaaga kasi ako ng dating. Ewan ko ba. EXcited ako eh. haha. Excited sa itsura ni kierby. sabi kasi nya mag didisguise daw sya. kaya ako excited! haha. XD

Napansin kong may humintong sasakyan sa tapat ko. Kotse ni kierby! Pero bakit parang hindi si kierby ung bumaba? long hair, naka sun glasses, kardigan... ANG GWAPO! papalapit sya sa akin... Emeged! Emeged! Pero ng makalapit na si kuya pogi at tinanggal ang kanyang sun glass... Si kierby pala ito! syet!

"Uy emz! kanina ka pa dito?" tanong ni pogi este ni kierby.

"Hindi naman. Pero hayaan mo na. ganda ng porma mo ah! hindi kita nakilala. grabe!"

"Syempre! disguise nga eh! haha."

"Ang gwapo kasi eehh.." pabulong kong sabi. buti nalang at hindi nya narinig. dahil pag nagkataon yati ako kay kenneth na baliw.

"Ok sige na. We're all set. Mauuna kang papasok sa loob ng coffee shop. Tapos susunod ako sayo kapag dumating na si victoria. It's 11:45 na. you should go inside."

"Sige." After that I went inside the coffee shop. At umupo sa magandang pwesto. mga ilang minuto pa ay dumating na rin si victoria. agad itong umupo sa harap ko.

"So, what do you want to happen Emz?" tanong ni victoria. Kaso hindi pa nakakapasok si kierby, I need to stall her first. asan na ba kasi 'yung poging 'yun!

"Excited ka? Baka gusto mong umorder muna ng meryenda mo?" Best actress Emz! go! kaya mo yan! Buti nalang pumasok na si kierby. Napansin kong bumili muna sya ng coffee nya. Ano ito meryenda mode? -__-" pero umupo din naman sya agad malapit sa table namin.

"Nope. Ayokong umorder. And will you stop looking at that hot guy over there! hindi ka nya type. Dahil kung type ka nyan lalapitan ka nyan." Sasabunutan ko itong bruha na ito eh. Pero kailangan mag pigil. Remember Emz, this is for your best friend!

"I wasn't looking. Let's get right to the point then. As I've told you kahapon sa phone, alam ko na na ikaw ang dahilan kung bakit ang gulo-gulo ng buhay ng best friend ko ngayon."

"Do you have any proof?"  tanong ni victoria.

"Of course I have. Papapuntahin ba kita dito kung wala?" I smiled at nilabas ko ang mga picture na ibinigay ni kierby sa akin para ipakita kay Victoria na nahuli syang nakikipag-usap doon sa investigator na hinire nila lucas. "Ayan ang proof ko. Kitang-kita sa mga picture na kausap mo 'yung investigator nila lucas. at meron kang inabot na sobre. At we both know kung anong laman ng sobreng 'yun. It's money." Halatang nagulat sya sa mga nilabas kong pictures. 

pero itinabi nya ito. "So? It's as if may maniniwala sa iyo? I can easily tell everyone na photoshopped lang yan. they will never believe you." She flipped her hair and stood up. kaya napatayo din ako. "You're wasting my time. I'm going."

"Time para kanino vic? para kay nathan? Alam ko namang you want Nathan so bad kaya ginawa mo ang mga dapat gawin para masira ang relasyon ng pamilya ni haley sa pamilya ni Nathan. Tama ba ako, Victoria?" Pagtataray kong sabi sa kanya.

Arranged or not?(REVISING)Where stories live. Discover now