E P I L O G U E

1.1K 14 5
                                    

~ Sabina

"Hoy Louis Tarkin Klein?! Nasaan ka?!" Sigaw ko sa phone ko. Tama ba namang umalis na hindi man lang sabihin sakin? Ang masaklap pa dun iba ang nakakita na umalis siya. Di marunong magtago. Naku! Magloloko na lang mahuhuli ka

"Bakit ka sumisigaw? Nandito ako sa playground" kalmado niyang sabi

"Playground?! Wow naman ha! May ka-date ka sa playground. Tch. Wag mo na akong kausapin bye!" tinago ko yung phone ko para di ako macontact ni Louis. Bastos na lalaki yun. Kami na nga lang naghanap pa ng iba. Ugh!

Bahala ka sa buhay mo Louis. Galit ako sayo! At pag BV ako isang lugar lang ang pinupuntahan ko. Pero bago muna yun. Magb-bake muna ako, kakain ako dun mag-isa. Sayang nga lang at hindi ko kasama ang unggoy na yun.

Butter, sugar, egg, vanilla extract, flour, baking powder & milk =)) nasa kitchen ako ngayon tapos si Claire [first name basis e] nasa playroom ni Kesh. Papilit niya parin kay James na gawing 'Kesh' ang nickname ni Ranz Kyle. Pero dahil ayaw talaga ni James, hinayaan niyang tawagin ni Claire si Kyle na Kesh, then Kyle parin ang tawag niya kay Kyle. Gulo ba?

Sila Mommy at Daddy? Pumunta sila ng Canada, di kasi talaga maiwan ni Daddy ang company. Kaya imbes na maiwan ulit si Mommy dito, sumama na lang siya.

Si Cassie? Hayun tinuturuan ni Kier magdrive ng motor. Gusto daw kasi ni Cassie na matupad ang wishlist niya, inaasar niya kasi si Kier na di makakahanap ng gamot para sa sakit ni Cassie.

Nilagay ko na sa oven ang batter, and speaking of them. Andito na sila agad at nagsisigawan nanaman.

"Sabi ko kasi sayong wag mong bilisan kasi may humps e!" Si Kier habang pumasok sa may kitchen at kinuha ang first aid kit, di niya yata ako napansin dahil nagmamadali siya.

"What's done is done Kier tsaka wag kang OA, gasgas lang naman to e, compared sa chemo ko"

"Cassie, please stop. Wag mo nanaman ibalik sa topic na yan" ramdam ko ang pagka-pissed off ni Kier. Lagi naman ganun e

"Kier, accept it. Hindi naman 100% sure na magkakaroon pa ng lunas tong sakit ko. Para pag nawala na ako, handa kayong lahat. Lalo ka na"

"Alam mo kung gano kahirap sakin to. I'm holding on na gagaling ka. Pero how will I hold on if you're letting go all our hopes? Please Cassie, trust me"

Kawawa naman si Kier, paano siya magho-hold on kung bumibitaw na si Cassie diba?

"I-ah.. I'm sorry Kier.. Please don't give up on me" eto nanaman sila.

"I won't give up on us. I love you"

"Tara motor ulit tayo!"

"Cassie?!" Kier with his warning tone

"Joke lang. I love you too!"

"Ehem! Red Velvet cupcake oh" nilapag ko ang tray sa table sa may living room. Tatambay nanaman sila dun for sure.

Inayos ko na ang dadalhin ko, nilagay ko na rin yun sa kotse ko at nag-ayos muna ako.

**

~ Louis

Galit nanaman siya sakin. Di man lang tinanong kung anong ginagawa ko dito sa playground. Inisip nanaman niya na may ka-date ako. Talaga yung babaeng yun oh.

Andito pala ako sa playground na lagi naming pinupuntahan ni Mommy. Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito simula nung nawala si Mommy at si SabSab. Speaking of SabSab, kamusta na kaya yung batang yun? Sayang di ko matutupad yung pangako ko sa kanya.

Nag-stay ako sa favorite tree namin ni Chuchay. Ni-reminisce ko ulit yung moments namin, binasa ko ulit yung mga sulat niya sa likod ng mga pricetags ng shirts. Nilagay ko sa isang box lahat nun, kasama ang necklace na pinangako ko sa kanya.

HEY Mr. PriceTagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon