THIRTY SEVEN >___<

1.5K 18 9
                                    

Hello Ate! wala pa sa 5% ng galing mo ang UD na to. labyu ate!

_______________________________________________________

- JAMES

Days passed. Parang years kung ikukumpara. Ganun kabagal pag wala si Sabina.. I miss her. I really do.. Days from now.. I'm going to be a husband and a father as well. Napapaisip na lang ako. Ang bilis naman. Mawawala na ang kalayaan ko. Mawawala na ang kasiyahan ko. Dahil sa isang bagay na di ko ginawa. Di kapani-paniwala diba? Pero yun ang totoo.... Walang nangyari sa amin.

Nagsisisi ako, sana sinabi ko na lang kay Sabina ang totoo.. Sana di na lang ako nagsinungaling.. Pero I doubt na paniniwalaan niya ako.

Pero sana, sana ginawa ko na lang.. Sana di ako naduwag. Tuloy papakasalan ko ang ex ko, ex na hindi ko na mahal.. ex na pinagsisisihan kong balikan noon.

Well nasa isang bar ako ngayon. Dito na ako madalas. Ayoko kasing nakikita siya sa bahay. Ayokong siya ang una kong makita pag gising ko. Parang nandidiri ako. Di ko alam kung bakit. To think na magkaka-anak na kami. Hayy. Di ko parin tanggap.

"Tol! Balita ko kakasal ka na ha?" sabi ni Troy kasa-kasama ko siya dito nakilala ko nung hinalikan ko yung babae niya

"Saan mo naman nalaman yan?" tanong ko habang nilalaro ang glass

"Gag* kalat na kaya! Pati sa tv! Ganda naman pala ng mapapangasawa mo eh"

"Sayo na lang."

"Wag na. Nabuntis mo na eh. HAHAHAHA"

tinignan ko lang siya tapos nag hands up siya na parang nagsu-surrender..

TATLONG araw na lang pala. Tatlong araw na lang di na ako magiging malaya. Pero madami pa akong magagawa sa tatlong araw na yan. Sabina...

Pwede pa ba kitang makasama Sabina? Kahit saglit lang? Para sa huling pagkakataon? Sana pagbigyan mo ako.

I got my keys and went to the parking lot. Pupuntahan ko siya. kahit sampalin niya ako. kahit ipagtabuyan pa.. I bought flowers na rin. nilagay ko na lang yun sa tabi ko at tumuloy na sa bahay nila Sabina.

-- PHONE RINGING -- 

(Claire Calling.....)

"What do you want?!"

"aray... where are you? andaming dapat asikasuhin. Umuwi ka na"

"Tch. Kaya niyo na yan! Di ko naman ginustong magpakasal eh!"

** Disconnected **

Siya pa may ganang babaan ako ha. Tch.  

Tanaw ko na yung place nila Sabina.. Pero parang walang tao ata. I stopped. Went down and checked..

I knocked.. Nobody answered. Siguro wala ngang tao.. Iiwan ko na lang tong flowers. Then I'll go home na.

++++++++++++++++++++++

- C L A I R E

"Tch. Kaya niyo na yan! Di ko naman ginustong magpakasal eh!"

"......Di ko naman ginustong magpakasal eh!"

".....Di ko naman ginustong magpakasal eh!"

parang sirang plaka.. paulit-ulit na lang yun sa isip ko.. Di nga niya gustong magpakasal sakin.. Gagawin niya lang yun para sa baby namin. Pero paano pag malaman niyang wala naman talagang baby? Makikipag-divorce siya? Tapos magpapakasal siya kay Sabina? That can't be! Kung kina-kailangan... after or before the marriage kailangang may mang-yari samin.. For real..

HEY Mr. PriceTagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon