𝐂𝐗𝐗𝐗𝐕

295 16 0
                                    

• • • • ☾︎ jacinth's pov

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko sa paligid at nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa isang napakalaking kuwarto. Halos walang laman ito at ang interior ng kuwartong ito ay pinaghalong itim, puti at kayumanggi.

Nakahiga ako sa isang king-sized bed na puting-puti. Napakalaki nito na pwede na yatang matulog ang tatlong tao. Sinubukan kong tumayo ngunit ang kamay ko ay nakaposas sa gilid ng higaan.

Paano ako napapunta rito? Pinilit ko ang sarili ko na alalahanin ang nangyari.

Papasikat na ang araw sa gawing silangan. Ngunit natatakluban ang kulay kahel na kalangitan ng mga itim na itim na ulap na nagbabadyang magbigay ng malalakas na ulan.

Nakatulala pa rin ako sa labas ng bahay namin habang iniisip ang gagawin. Ramdam ko pa rin ang lamig ng simoy ng hangin na tumatama sa balat ko.

Anumang oras ay darating na siya. Anumang oras, tiyak na mababago na ang buhay ko. Alam kong parang mali ang desisyon ko na ito, hindi ako makapag-isip nang maayos lalo na't nakasalalay dito ang buhay ng dalawang taong pinakamalapit sa akin.

Sila lamang ang mga tao na dumamay sa akin nung nasa pinakalugmok akong parte ng buhay ko. Andiyan sila lagi para sa akin. At sa kaunting sakrispisiyo na gagawin ko para sa kanila, hinding-hindi ako magsisisi.

Handa na ako sa maaaring kahihinatnan nitong lahat. Handa na ako sa pinasok ko. Wala na itong atrasan. Kailangan ko itong gawin.

May tumigil na isang kulay itim na sasakyan sa tapat ng bakuran namin.

Ito na ba? Ito na ba ang sasakyan na maghahatid sa akin patungong impyerno?

Kung ito na ang sasakyang, makapagliligtas kila Freya at Axle, malugod akong sasakay rito.

Lumabas ang isang lalaki mula sa driver's seat na nakasuot ng purong itim. Ito na siya. Matagal tagal na rin nang huli kaming magkita.

Dahan-dahan akong lumapit sa puwesto niya. Hinayaan ko ang sarili ko na magbagal maglakad. Ito na ang huling tyansa ko para tumakas... pero hindi ko gagawin iyon.

Nakalapit na ako sa kanya nang tanggalin niya ang sumbrero at mask na sa ulo at mukha niya at sa likod ng mga iyon nagtatago ang 'kaibigan' ko, si Topher.

"Come in." sabi niya habang hawak ang pintuan ng sasakyan.

Tumingin muli ako sa bahay namin saka bumaling muli sa sasakyan.

Sa pagkakataong pumasok ang sa sasakyan ito, there's no turning back.

Inihakbang ko na ang paa ko papasok. Handa na ako. Ito lang ang tanging paraan. I need to do this.

*𝐇𝐄𝐋𝐏# | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon