Kabanata 2

15 4 0
                                    


Kabanata 2

Noemi's POV

Panibago umaga na naman, panibagong-araw pero alam ko naman na ganon parin. Walang pagbabago sa gagawin, sa trato ng mga kaklase ko at mga kaibigan sakin. Sanay na ako, kaya game!


"Noemi!" "Noemi!" tawag sakin ni Joma habang papalapit siya, hingal na hingal siyang lumapit sakin.

"Oh Joma! Ikaw pala, ang aga mo ata ngayon sa eskwela. Mamaya pa klase mo ah."


"Uhmm... Oo nga, eh sa totoo lang kaya ako napaaga dahil may sadya.

"Oh, saan ka ba pupunta?" taka kong tanong sa kanya.


"Hundi saan. Sino at ikaw. Ikaw ang sadya ko. Diba magkaibigan naman tayo?" Sabay ngiti ng malapad sa kanya


"Naku! Ano ba iyun at ginamit mo pa ang pagkakaibigan natin?" madalang lang humingi ng pabor o kailangan si Joma, kaya napaisip agad ako kung ano ang kailangan niya.


"Eh hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko sana na pumayag ka na maging modelo ko." Sabi niya.


Dahil sa hinde ko inaasahan ang sinabi niya, napatitig ako sa kanya.


"Seryoso ka dyan? Ako talaga? Para saan bayaan at ako ang naisipan mo na kunin?" Tanong ko sa kanya.


"Naghanap na ako ng naghanap, pero wala akong makita o mapili man lang, kaya ikaw na lang naiisip ko." Sabi nito sa kanya.


Medyo nasaktan ako ng konti sa sinabi niya. So, ibig sabihin, no choice na siya, last choice niya ako kaya ako ang pinili niya.

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang alok niya sa akin. Kaibigan ko siya at ngayon lang siya humingi ng pabor na hindi ko inaasahan sa kanya.


"Sige na Noemi, pumayag ka na. Lahat gagawin ko para mapapayag ka lang para maging modelo ko, please?" Pagmamakaawa nito sabay luhod pa sa harap niya.


Dahil sa gulat ko sa ginawa niyang pagluhod siya sa harap ko na pati kadahilanan kung bakit nakatingin na rin samin ang mga estudyante kasalukuyang naglalakad sa circle.


Pinatayo ko siya habang nakangiti. "Oo na. Nakakahiya sa mga tao oh, kung ano pa isipin nila."


Hindi niya yata naintindihan kaya inulit ko ulit. Natameme na si Joma.


"Sige, pumapayag na ako, pero may pabor akong hihingin sayo" sambit ko.


"Ha? Ano yun? Sige, kahit ano basta walang bawian ah"


Oo nga hahaha. May gusto kasi ako puntahan, para na rin makapagunwind. Toxic na kasi sa klase kaya hihilingin kong magcutting kami ngayon at umalis. Masasaya ngayon araw.


"Ikaw na ang modelo ko!" nakangiting sabi ni Joma kahit ako ay nagulat dahil tuwang tuwa talaga siya.


"Gusto ko pumunta sa Amusement Park..." nakangiting sabi ako at hinawakan na ang kamay niya upang tumakas ngayong araw at magsaya.


••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Writer's Note:
This is my first story. Even if this is a lame one, gusto ko parin ishare dahil part 'to ng journey ko. Hope you enjoy my stories. :)

Taken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon