Kabanata 1

23 4 0
                                    


Kabanata 1

Hanggang ngayon nasa bahay ako, nakahiga. Iniisip parin kung sino ang pwede kong gawin na modelo para sa gaganapin na Wall of Art sa Makati.


Nagpapalit-palit ako ng pwesto sa pagkakahiga ko sa kama. Ikot-ikot lang na parang bulati. Nakakafrustrate kasi halos dalawang buwan na ako nagiisip kung sino!!!!


Ako nga pala is Jonathan Marlon Castro, tawagin niyo nalng ako sa palayaw na "Joma". Gwapo, matalino at mabait. Mahilig akong kumuha ng mga litratong...


Simple lang ang buhay namin hindi mayaman pero masaya. Nagbago nga lang ang lahat nung namatay si tatay, palaging na lang nasa bahay si nanay dahil hindi niya matanggap ang nangyari.


Sila ate naman ay kailangan mangibang bansa para matustusan ang matrikula namin ni Tina, ang bunso sa aming tatlo.


Hanggang sa nakita ko na naman ang litrato ni Noemi sa mesa ko, ang tagal ko na tinitignan yun, ang kanyang mukha ay napakaamo talaga, simpleng-simple at hindi mo talaga maiaalis agad ang tingin mo sa kanya.


Nang biglang pumasok sa isip ko na bakit 'di na lang kaya siya ang gawin kong modelo?


Ilang minuto pa bago ko inalis ang tingin ko sa kanyang litrato at napagdesisyonan kong siya na nga. Oo, siya ang naisip ko.


Kakausapin ko siya bukas sa school, sana pumayag siya kung hinde, gagawa ako ng paraan para mapapayag ko siya.


••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Writer's Note:
This is my first story. Even if this is a lame one, gusto ko parin ishare dahil part 'to ng journey ko. Hope you enjoy my stories. :)

Taken LoveWhere stories live. Discover now