KAHIT SA PANAGINIP LANG

567 38 21
                                    

Paano kita makakalimutan

Kung mukha mo ang nakikita sa bawat dumaraan?

Paano ka maaalis sa isipan

kung boses mo ang bawat kantang napapakinggan?

Ngayon ma'y wala na tayong ugnayan,

Sa puso ko'y tayo pa rin ang nagmamahalan.

Gusto ko nang lumaya ngunit di ko maiwasan

Na hanapin ka upang muling mahagkan.

Ilang ulit sinubukang h'wag ka nang isipin

Ngunit pilit bumabalik ang ala-ala natin

Ang mga sandaling ikaw ay kapiling

Di ko maiwaglit, laman ng damdamin.

Di na aasahang ika'y muling babalik

Kahit nagmamahal at sayo ay sabik

Maging tayo muli, di na ipipilit

Sisilipin na lang sa'king panaginip.

KAHIT SA PANAGINIP LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon